Murang car plan para sa empleyadong hirap mag commute, binalato ng amo - The Daily Sentry


Murang car plan para sa empleyadong hirap mag commute, binalato ng amo




Photos courtesy of Instagram @halftheprice


Tila napaka-swerte ng isang empleyado kapag nakatagpo sya ng isang napaka-bait na Boss, yung tipong maalaga sa kanyang mga empleyado, at galante sa pagbibigay ng mga incentives para sa kanyang mga masisipag na staff.

Sa mga ganitong pagkakataon mapapabigkas ka na lang ng mga katagang “Sana All!”, sana lahat ng ating mga Boss ay kagaya na lang ng amo ng isang ginang na si Rhea Ylanan.


Sa kwento na ibinahagi ng KAMI, isang online store na Half The Price (HTP) owner na tawagin nating si Ms. Ricca del Rosario, ang nagbahagi ng kanyang pagkatuwa sa kanyang mga staff.

Kaya naman ganoon na lang nya alagaan at ipamper ang mga ito. Para sa kanya, hindi magtatagal ang kanilang negosyo kung hindi dahil sa tulong at malasakit ng kanyang mga empleyado.

Itinuturing nya ang mga ito bilang isang asset ng kanyang kumpanya. Para kay madam, hindi magtatagal at lalago ang kanyang Negosyo kung hindi dahil sa kanyang mga empleyado.

Isa na rito sa kanyang tinutukoy ay ang kanyang empleyadong na si Rhea Ylanan na nag simulang magtrabaho sa kanya noon pang 2016.

At dahil sa krisis na lkinakaharap natin ngayon dahil sa corona virus, Isa si Rhea sa mga nahirapan sa pagko-commute ngayong panahong nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang bansa.

At dahil isa si Rhea ay ang kanyang most well trusted ng staff ay itong si Rhea Ylanan, aniya, si Rhea at ito ang pinakamatagal at sobrang pinagkakatiwalaan nya pagdating sa kanyang Negosyo.

Nalaman ng KAMI na dahil sa dedikasyon na ipinakita ni Rhea sa kanyang trabaho, naisipan siyang regaluhan ng kanyang mabait na boss.


Nagsimula si Rhea taong 2016 sa kanyang boss bilang isang retail hotline staff hanggang sa naging supervisor na ito kinalaunan.

At dahil nga sa Pandemic na COVID-19, madaming mga manggagawa ang nahirapan ng mag-cummute dahil sa kakulangan sa masasakyan.

Kaya naman naisipan ni madam Ricca na regaluhan ito ng sasakyan upang hindi na ito mahirapang pumasok ng trabaho.

Never daw na-late sa work si Rhea, in fact, si Rhea palagi ang first one to arrive every single day, kaya naman para hindi na ito nahirapan, ay naisipan nyan bigyan ito ng easy to pay car plan at bilang regalo na din sa kanyang birthday.

Sa Instagram post ng Half the Price isang linggo na ang nakalilipas, binahagi ng chief operating officer na si Ricca del Rosario kung bakit niya naisipang gawin ito.

"Because I share every milestone with you, HTP girls, here’s another one! A car for HTP angel, Rhea!" Ang bungad ni Ricca sa kanyang post.

Binigyan niya ng mura at abot kayang car plan ang masipag niyang supervisor upang hindi na ito mahirapan sa pagpasok niya sa kanilang opisina.

Sa loob ng limang taon, ₱2,500 lang ang babayaran nito kada sahod nang walang interes.


Labis na ikinatuwa ito ni Rhea at dahil sa desidido talaga siyang pangatawanan ang regalo ng kanyang boss, inaral agad ni Rhea magmaneho ng kotse at sa loob lamang daw ng tatlong araw ay nakakapag-drive na ito.

Hindi na iba si Rhea sa kanyang boss kaya hindi na nagdalawang isip si Ricca na biyayaan ang supervisor ng HTP.

Ayon pa kay Ricca, one HTP Angel at a time. Ibig sabihin, ay may mga magagandang plano rin siya sa mga masisipag niyang empleyado lalo na kung ipagpapatuloy ng mga ito ang katapatan at pagpupursige para sa kanilang kompanya.

Nakaka-inspire ang ganitong klaseng kwento na sa kabila ng pandemya at krisis na ating pinagdadaanan, may mga taong handa pa ring tumulong sa kapwa nilang higit na nangangailangan.
Samantalang ang ibang malalaking kumpanya ay nakukuha pang magtanggal ng mga empleyado sa gitna ng hirap sa buhay, ngunit iba ang katwiran ni Madam Ricca.

Isang amo na handing tumulong sa kanyang mga trabahador at handing magpaluwal alang-alang sa ikaluluwag ng kanyang mga empleyado.

Maraming Netizen ang humanga sa pagmamalasakit na ipinakita ng may-ari ng Half  the Price on line shop. Narito ang ilang sa kanilang mga papuri at komento:

“This is so inspiring. Nakakatuwang basahin po ito sa ganitong panahon. Having a humble and generous superior is indeed a blessing. Happy Birthday Ms. Rhea. Truly if you do your best and do it for God, you will be rewarded. In God's perfect timing. Dream car come true. #silentfollower here.”


“Happy birthday Ms. Rhea! She's so mabait and accomodating that's why she's blessed  congratulatuons!”

“Continue to be a blessing to everyone Ms. Ricca. In God’s time, this too shall pass and babalik na uli ang mga stylish clothes, Congrats Ms. Rea!”

Narito ang buong post ni Ms. Ricca del Rosario, owner ng halftheprice na kanyang ibinahagi sa kanyang Instagram account:

Because I share every milestone with you, HTP girls, here’s another one! A car for HTP angel, Rhea! She started working for HTP in 2016 and since then, never yan na-late!

Always the first one to arrive sa hub every.single.day. From being a retail hotline staff, naging supervisor na siya. Naks! Hehehe ang awkward lang magbigay ng mga titles kasi we started really small.

I never call myself CEO nga. Pero mukhang mapipilitan dahil ganun sa skin care world Sa business card ko naka blank lang ang position, it’s just my name I don’t know pero hiya ako.

Going back, ayun si Rhea siya nagha-handle ng mga HTP Angels as a whole. She earned it. Sa aming company structure, she’s next to me as I entrust to her HTP lalo na kapag wala ako.

Every staff sa HTP ay mahalaga, kahit ano pa ang posisyon. Dream come true sa akin ang car plan na ito, one HTP Angel at a time.

Sobrang love ko lahat ng HTP Angels (staff) and HTP Girls (customers). Parati ko sinasabi, walang HTP kung wala kayo.

Sa lahat ng ginagawa ko sa business, ang nga taong tumutulong dito ang priority ko, kayo ang laman ng WHYs ko.


We are heavily affected by the pandemic, we had to sacrifice a lot for the common good, pero forward pa rin tayo kahit gaano pa kabagal. We will continue to reach for our dreams, tulungan lang tayo. Salamat Rhea and happy birthday #HTPstories