Miss Universe Catriona Gray, Pia Wurtzbach on ABS CBN franchise denial: 'We will never forget' - The Daily Sentry


Miss Universe Catriona Gray, Pia Wurtzbach on ABS CBN franchise denial: 'We will never forget'



Larawan mula sa Philstar at Facebook




Kasama sa mga personalidad na nagsalita matapos na tanggihan ng Kongreso na muling mabigyan ng  prankisa ng ABS CBN ay sina Miss Universe  Catriona Gray at Pia Wurtzbach.

"For the disheartened. For the hurting. I'm so sorry. For those who delight in the suffering of others, I pray your hardened hearts be softened." Ayon kay Gray


"We continue on. But we will never forget," dagdag pa nito na may kasamang emoji ng watawat ng Pilipinas at puso sa mga kulay ng logo ng ABS-CBN.



Samantala, si Wurtzbach naman ay nagbahagi ng larawan ng ABS CBN headquarters na may caption: "Home (broken heart emoji) #ForeverKapamilya".

"And when our children tell our story, they'll tell the story of tonight," dagdag pa niya

Parehong sina Grey at Wurtzbach ay mga artista sa kontrata ng ABS-CBN.



Noong Biyernes ay napag desisyunan na ng House Committee on Legislative Franchises na huwag bigyan ng prangkisa ang ABS CBN corporation.

Sa 85 na miyembro ng Committee ay 70 ang bomoto pabor sa desisyon na hindi bigyan ang ABS-CBN ng isang bagong prangkisa, 11 naman ang pabor na bigyan muli ng prangkisa ang Kapamilya at 3 mambabatas naman ang hindi nagbigay ng boto.


Pinabulaanan naman ng ABS-CBN ang mga paratang laban dito ngunit inamin nito na hindi perpektong kumpanya at umapela na bigyan sila muli ng pagkakataon na maging mas mahusay.

"We remain committed to public service, and we hope to find other ways to achieve our mission," ayon pa kay ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak

"Together with our employees and our audiences all over the world, we share in your sadness over this setback," aniya*

Actress Angel Locsin raises a sign that says ‘Give us a chance to be better’ | Photo from Manila Times


"We look forward to the day when we can again reunite under our broadcast." Dagdag pa ni Katigbak


Samantala, ang ibang Kapamilya artist naman ay dumalo sa rally sa Batasang Pambasan bilang suporta sa kanilang kumpanya tulad nina Angel Locsin, Bianca Gonzales, “Magandang Buhay” hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada, at Melai Cantiveros.



Naroon din sina Vice Ganda, Nikki Valdez, Piolo Pascual at Kathryn Bernardo na naki protesta kasama ang National Alliance of Broadcast Unions (NABU)-Sentro, Youth Resist, at Akbayan Youth.