Mga kapulisan, hihingi ng tulong sa mga tsismosa't tsismoso upang mapadali ang contact tracing - The Daily Sentry


Mga kapulisan, hihingi ng tulong sa mga tsismosa't tsismoso upang mapadali ang contact tracing



Larawan mula sa happeninginphilippines
Ang mga tsismosa at mga tsismoso ay madalas kinaiinisan ng mga tao dahil sa hilig ng mga itong pagkwentuhan at magkalat ng mga balita tungkol sa isang tao.

Madalas ay dahil sa kanilang hindi mapigilang bibig sa pagkakalat ng kwento ay nakakasira na sila ng puri na hindi na nakakatulong sa isang komunidad.

Ngunit ayon sa balitang lumabas sa Sunstar Cebu, kinakailangan umano ng kapulisan ang maraming impormasyon tungkol sa mga tao sa tuwing magsasagawa ang mga awtoridad ng tinatawag ng contact tracing.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 7 chief Brigadier General Albert Ignatius Ferro, kinakailangan umano nila ang natatanging abilidad mayroon ang mga tsismosa at tsismoso upang mas mapabilis ang gagawing contact tracing.
Larawan mula sa sunstar
Isa kasi ang contact tracing sa mga prosesong ginagawa ng mga awtoridad na tuwing mayroong nagpopositibong kaso sa lugar ay hinahanap ang mga taong nakasalamuha ng pasyente upang ma-isolate at maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Importante ang prosesong contact tracing na ginawa ng mga kapulisan upang sa ganoon ay maiwasan ang patuloy na pagkalat ng covid-19.

Kung kaya naman dahil sa dami umano ng mga nalalaman ng mga taong tsismosa at tsismoso ay mas mapapadali umano ang contact tracing dahil halos lahat ng mga pangyayari sa lugar ay alam ng mga ito ayon kay General Ferro.
Larawan mula sa happeninginphilippines
“I heard last night what you call this mga tsismosa brigade. Mga at least mga tsismosa brigade they could be a good source of ano daw sabi pa ni asa to nga lugar murag sa Bulacan. (Mga at least mga tsismosa brigade they could be a good source of ano daw sabi pa ni sa isang lugar na parang sa Bulacan.)... Sabi nila na mga tsismosa we ask you to help us sa contact tracing. So ana, baka kasi tong naay dili lang paglibak naa silay maayong matabang (So ayun, baka kasi itong mga tsismoso ay hindi lang pagtsismis ang alam, baka mayroon din silang maitutulong." ayon kay Ferro

Ang ideyang ito ay narinig umano ni Ferro na naging istratehiya ng ilang opisyal sa Bulacan kung saan ay ginagamit nila ang abilidad ng mga tsismoso't tsismosa upang mapadali ang contact tracing sa lugar.

Sa magkaibang kwento, kalaboso naman ang dalawang babae na sina Mary Grace Catapan, 21 at si Jhallyn Gequillo Varga, 35 na taga Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu dahil sa pagiging tsismosa at paninirang puri sa ibang tao.
Larawan mula sa Superbalita Cebu
Ayon sa ulat, napag-alaman kasi ni Aileen (hindi niya tunay na pangalan) na matagal ng palang siya ng puri ng mga ito sa pamamagitan ng pag-uusap sa group chat.

"Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba." ayon kay Aileen.

hindi rin matanggap ni Aileen ang ginawa ng grupong ito matapos kunin ng mga ito ang larawan ng kanyang anak at lagyan ng hindi kaaya-ayang caption.

Dahil dito ay hindi na nagdalawang isip si Aileen na dumulog sa otoridad para mapagbayaran ang mga ginawa nilang paninirang puri sa kanya at sa kanyang pamilya.

Ayon pa dito, maaaring pagbayaran ng mga ito sa loob ng rehas ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o di kaya ay magbayad ng multa.

Sa ngayon ay pinayagan ng Korte ng makapagpiyansa ng Php 36, 000 ang dalawang akusadong babae.

Maging babala sana ito para sa mga taong mahilig sa tsismis diyan, na hindi dapat manira ng buhay ng ibang tao. Baka magaya kayo sa dalawang mag-kaibigang ito.


****

Source: Sunstar