Mga bata nagtitinda ng noodles, libro at iba pa sa kalye matapos mawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang - The Daily Sentry


Mga bata nagtitinda ng noodles, libro at iba pa sa kalye matapos mawalan ng trabaho ang kanilang mga magulang



Dahil sa CoV1d-19 krisis, bilyon-bilyong tao sa buong mundo ang talagang naapektuhan. Marami ang nawalan ng trabaho at mga mahal sa buhay.
Photo credit: Love n Care Facebook page

Dahil sa pandemya ay mas lalong dumami ang naghirap at hanggang ngayon ay hindi malaman kung ano ang magiging kinabukasan ng bawat isa.

Katulad na lamang ng isang pamilya mula sa Prima Setapak, Kuala Lumpur sa Malaysia. Matapos ipatupad ang Movement Control Order (MCO) sa kanilang lugar ay nawalan na ng trabaho ang mga magulang.

Nang tanggalin ang MCO, hindi na nakabalik sa trabaho ang mga magulang kaya naman hindi nila alam kung saan sila kukuha ng makakain. Dahil sa apat ang kanilang anak, nahihirapan ang mga magulang na maghanap ng pagkain na sasapat sa kanilang buong pamilya.

Batid ng apat na bata ang hirap at sakripisyo ng kanilang mga magulang. Kaya naman noong pinayagan ng lumabas ang mga bata ay nag-isip kaaagad sila kung papaano sila makakatulong.
 Photo credit: Love n Care Facebook page

Photo credit: Love n Care Facebook page

Naisip nila magtinda sa sidewalk ng dried noodles, libro at iba pang maaaring ibenta upang may ipambili sila ng pagkain at mga pangangailangan.

Dahil sa sipag at dedikasyon ng mga bata ay may isang netizen na nagpost ng kanilang mga larawan sa social media at agad naman itong nag-viral sa Facebook page na Love n Care.

Maraming netizens ang humanga at bumilib sa mga bata. Ayon sa ilang netizens, sila ang tunay na kayamanan ng kanilang mga magulang.

Hindi nakapagtataka na talagang proud na proud ang mga magulang sa kanilang mga anak.
Photo credit: Love n Care Facebook page

Marami rin namang mga netizens ang nakisimpatya at nag-aalala sa kalagayan ng mga bata. Anila, hindi raw maganda na na-eexpose ang mga katulad nilang bata sa kalye lalo na’t may lumalaganap na sakit.

Dagdag pa nila, sa panahon ngayon ay mas nakabubuti kung mananatili sa loob ng bahay dahil anomang oras ay maaari tayong mahawaan ng sakit.

Gayunpaman, saludo ang marami sa sipag, tiyaga at pagmamahal ng mga bata sa kanilang pamilya. Sana ay makahanap na agad ng trabaho ang kanilang mga magulang upang hindi na sila magbenta ng kung ano-ano sa kalye.


***
Source: Buzzooks