Larawan mula sa Juan Tambayan |
Maraming tao ang hindi pinapalad na ipanganak sa marangya at masayang buhay na hindi tulad ng ibang tao na lumaking nakukuha ang mga naising materyal na bagay at hindi problema ang pagkaing ihahain sa hapagkainan.
Tunghayan ang kwento ng isang mayamang ama na nais turuan ng aral sa buhay ang kanyang anak kung saan ay inantig naman nito ang puso ng ilang netizen.
Dahil mayaman ang mga magulan ni Dante, namulat siya sa isang mariwasang uri ng pamumuhay at nakukuha niya ang lahat ng nais, tulad ng mga magagarang sasakyan, magagarang damit at marami pang iba.
Ang ama ni Dante ay nagmula sa mahirap na buhay kung saan ay natuto itong magbanat ng buto hanggang siya ay maging mayaman.
Nais ng ama ni Dante na maturuan at maranasan ng kanyang anak kung paano mamuhay ng mahirap kung kaya naman ipinadala si Dante sa isang mahirap na pamilya at nanirahan siya dito ng isang linggo.
Larawan mula sa Juan Tambayan |
Sa loob ng isang linggo ay namuhay si Dante ng normal at simple kasama ang pobreng pamilya.
Si Dante ay naubligang tumulong sa gawaing bahay at kumakain ng pagkaing hindi niya kinagisnan mula sa kanyang dating marangyang buhay.
Kwento ni Dante, walang ilaw ang bahay ng pamilyang kanyang tinirahan ngunit ang mga bituin sa kalangitan ang kanilang nagsisilbing liwanag sa gabi.
Hindi na rin umano bumibili ng pagkain ang pamilyang ito dahil mayroon silang sariling tanim na sariwang gulay, puno at halaman na kanilang pinagkukunan ng makakain sa araw-araw.
Makaraan ang isang linggo ay dinalaw siya ng kanyang mayamang ama upang kamustahin ang kanyang kalagayan at tila natuwa ang kanyang ama na tila maganda ang naidulot nito sa kanyang anak.
Ayon kasi Dante, sa loob lamang ng isang linggo ay marami siyang natutunan at napagtanto sa kanayang pamamalagi kasama ang isang mahirap na pamilya.
Larawan mula sa Juan Tambayan |
Sa pagdalaw ng kanyang ama, talaga namang nagulat siya sa mga binitawang salita ng kanyang anak na si Dante matapos nitong sabihin na "Mararming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap."
Dahil dito ay nabigyan ni Dante ng importansya ang mga maliliit na bagaysa kanyang paligid na dati ay hindi niya pinapansin dahil sa marangyang buhay na kanyang natatamasa.
Ang kwentong ito ni Dante ay isang patunay na hindi basehan ang pagkakaroon ng maraming pera at magagandang gamit upang maging masaya sa buhay dahil ang totoong kayamanan ay ang pagiging kuntento at pagkakaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay ng mayroon ka.
****
Source: Juan Tambayan