Matandang mag-asawa na natigil sa pamamasada nabiyayaan ng hanap-buhay at ipinaayos pa ang bahay! - The Daily Sentry


Matandang mag-asawa na natigil sa pamamasada nabiyayaan ng hanap-buhay at ipinaayos pa ang bahay!



Screencap photos from ABS-CBN @IbaYan


Isa lang ang kwento ng matandang mag-asawa na sina Jimmy at Emilia Escalante, sa milyon nating mga kababayan na labis na naapektuhan sa krisis na dinadanas ng buong bansa na dulot ng pandemyang COVID 19.

Dahil sa pandemyang ito, pinatigil ang operasyon ng iba't-ibang establisyimento, mga kumpanya, turismo at maging ang mga pampublikong sasakyan at marami ang nawalan ng hanap-buhay.


Halos mag-aapat na buwan ng tigil pasada ang mga drivers at wala na silang ibang magpagkukunan ng hanap-buhay kundi ang umasa na lamang sa ayuda ng pamahalaan at ng ibang may magandang loob na tumutulong sa kanila paminsan-minsan.

Nakilala ng aktres na si Angel Locsin si Mang Jimmy na miyembro ng grupo ng mga tsuper mula Balintawak, Quezon City.  Isa si mga Jimmy sa mga driver na natengga sa kanilang terminal ng halos apat na buwan dahil sa lockdown.

Ibinahagi ni Mang Jimmy ang kanilang kalagayan kay Angel kung papaano sila nakakapamuhay sa loob ng terminal at tanging sa jeep lamang sila natutulog ng kanyang may bahay sa loob ng apat na buwan.

Ani Mang Jimmy, pinagkakasya nila at ng mga kasamahan nyang mga drivers ang bawat ayuda na ibinibigay sa kanila. Dahil sa limitado lamang ito, kanilang pinaghahati-hati ang mga groceries na ayuda para sa kanilang lahat na mga drivers.

Screencap photos from ABS-CBN @IbaYan


Dagdag pa ni Mang Jimmy, nademolished ang kanilang bahay dalawang taon na ang nakakaraan. Kaya napilitan silang mamuhay sa loob ng kanilang jeep dahil ito na rin ang pinagkukunan nila ng pagkakakitaan sa pang araw-araw.


Mayroon naman daw silang bahay sa Morong, Rizal subalit wala pa sila ni anumang kagamitan at kailangan pang ayusin ito bago sila makalipat dito. Bunsod na rin ng lockdown kaya naging hadlang sa kanila ang makauwi dito.

Sa programang IbaYan ni Angel Locsin, tinulungan ang mag-asawang senior citizen na ito na mabigyan ng maayos na pamumuhay ang matandang mag-asawa upang hindi na sila kailangan pang makipag-sapalaran sa siyudad at makapamuhay malayo sa panganib na dala ng corona virus.

Inayos ng grupo ni Angel ang bahay nila Mang Jimmy at aling Emilia. Nilagyan ito ng ilang mga kagamitan tulad ng kalan, kaldero, upuan, mesa at higaan at maging pangkabuhayan na isang munting sari-sari store para sa kanilang mag-asawa.

Screencap photos from ABS-CBN @IbaYan


Matagal ng pangarap ni Mang Jimmy ang makahanap na ng lugar na kung saan ay mananatili na lang silang mag-asawa  at hindi na niya kailangan pang magpasada, dahil sa konting panahon na lang ay magiging senior citizen na rin siya. Dahil sa kanyang edad, ang lubhang mahirap na sa kanya ang mamasada ng jeep.


Kaya naman laking gulat nilang mag-asawa sa napakalaking biyaya na bigay ng aktres na si Angel Locsin at ng grupo nito, Walang mapaglagayan ang kanilang kagalakan sa surpresang natanggap. Si Aling Emilia pa nga ay umiiyak at halos hindi makapagsalita sa kagalakang naramdaman.

Abot-abot ang pasasalamat ng mag-asawang Jimmy at Emilia sa pagkakataon ito at sila ang binigyan ng pangalawang pagkakataon sa mga huling yugto ng kanilang mga buhay. 

" HIndi ako makapagsalita, dahil sa saya, masayng-masaya ako dahil, yung pangarap ko sa bahay na ito, nakamit ko na! Nagpapasalamat ako sa Panginoon, salamat, hindi ako magsasawa na magpapasalamat sa inyong lahat. Sana, umunlsd itong binigay nyong kabuhayan namin. Ngayong pangarap ko sa buhay natutupad, na akala ko yung pangarap ko hindi matutupad dahil matatanda na kami." pahayag ni nanay Emilia.

" Nagpapasalamat din ako kung di dahil sa pagsisipag ninyo para sa amin, hindi rin namin ito aabutin rito." dagdag naman ni tatay Jimmy.


Nawa'y mabuhay kayo ng matiwasay at malayo sa sakit at ano mang sakuna, tatay Jimmy at nanay Emilia.