Screencap photo from Raffy Tulfo in Action |
Dumulog
sa programang "Raffy Tulfo in Action" ang isang lalaki na kinilalang
si Marc Kevin Labbao upang humingi ng tulong para makausap ang kanyang misis na
si Marie Labbao na syang inerereklamo ng kanyang mister.
Ayon
sa kwento ni Marc, lumayas daw ang kanyang misis matapos silang mag-away dahil
sa sobrang paglalaro ng ginang ng sikat na Mobile Legends. *
Dagdag
pa ni Marc, maghapon daw itong nakababad sa paglalaro ng nasabing online games,
mula umaga pagpasok nya sa trabaho hanggang sa makauwi na ito ng bahay ay
naaabutan pa rin nya ang asawa na nakahiga at patuloy pa ding naglalaro ng
Mobile Legends samantalang tambak pa rin ang hugasang pinggan.
Kabila
nito, mahal na mahal pa rin nya ang kanyang misis, at nakikiusap ito na bumalik
na ito ng kanilang bahay at ayusin na ang kanilang relasyon.
Subalit
nang magkaharap na sa pamamagitan ng video call ang mag-asawa, sinabi naman ni
Marie ang kanyang side.
Umiiyak
at galit na galit itong nagkwento tungkol sa ginawa sa kanya ng asawa at
sariling ina nito. Ani Marie, parang hayup daw syang pinagtulungang bugbugin ng
kanyang asawa at ng kanyang sariling ina kaya nagpasya si Marie na lumayas na
sa kanilang tahanan.*
Photo courtesy of Facebook and Raffy Tulfo in Action |
Kwento
pa ni Marie, Nais nya nga ireklamo ang kanyang mister dahil sa pananakit nito
sa kanya, Dahil parang hayup daw umano ang ginawa sa kanya nito. Maging ang
kanyang ina mismo daw umano ay tumulong pa sa pambu-bugbog sa kanya.
Habang
binubugbog daw sya ni Marc ay nanunuod lamang ang kanyang ina imbes na awatin
ang asawa, at hinubaran pa daw umano mito ang lahat ng kanyang suot na damit at
pinagpupunit ito.
Sinabihan
pa raw ng kanyang ina si Marc na kaladkarin sya hanggang sa labas ng kanilang bahay
para daw magtanda ito.
Depensa
naman ni Marc, nagsimula daw ang lahat dahil sa pagiging adik ni Marie sa
Mobile Legends. Ani Marc, naglalaro din daw sya ng Mobile Legends pero hindi
siya kasing talamak ni Marie kung maglaro nito.*
At dahil sa pagka-adik ni Marie sa Mobile Legends,
napapabayaan na raw ng asawa ang responsibilidad nito bilang may-bahay at
maging ang responsibilidad nya bilang ina sa kanilang paslit.
Pinakiusapan ni sir Raffy si Marie, kung maaaring itigil na
nito ang paglalaro ng Mobile legends alang-alang sa kanilang anak.
Aminado si Marie na labis ang kanyang pagka-humaling sa
larong ito, ngunit hindi raw ito dahilan para siya ay bugbugin ng dalawa at
tratuhin na parang baboy.
Giit ni Marie, pwede naman sya kausapin ng maayos ng mga
ito, at hindi sa madahas na paraan at halos ipahiya pa sya sa kanilang mga
kapit-bahay.
Ang matindi pa nito, matapos daw sirain ni Marc ang kanyang
mga damit ay ginalaw pa daw umano sya ng kanyang asawa.
Hindi na nga nagawang magreklamo sa kinauukulan si Marie
para ipa-blotter ang kaniyang asawa at ina, dahil para sa kanya, para sa ano pa
na kasuhan nya ang mga ito, at naturang mga kamag-anak naman nya ang mga ito.
Agad namang nagbabala si sir Raffy na maaring makulong si
Marc dahil sa ginawa nito sa kanyang may bahay.
Ani Tulfo, kahit na maghapon at magdamag ang kanyang asawa
ay hindi ito dahilan upang bugbugin ito.
Agad namang pinaratangan ni Marc ang asawa na may ibang
ka-chat ito sa cellphone. *
Photo courtesy of Raffy Tulfo in Action and Mobile Legends
Forum
|
Ngunit mariin itong itinanggi ni Marie at wala daw ebidensya
si Marc para patunayan ang paratang. Tumanggi pa rin si Marie na makipagbalikan
sa asawa dahil sa labis na pagdadamdam.
Para naman kay Raffy Tulfo, kanyang pinayuhan si Marc na
dapat na bigyan muna ng oras ang asawa upang makapag-isip pa ito alang-alang na
rin sa kanilang nag-iisang anak.
Sinabihan din nito si Marc na kung maaari ay suyuin ang
asawa at humingi ng tawad upang humupa ang galit at hanggang sa mapatawad na
sya nito.
Samantala, nagpaalala na rin si sir Raffy na kung maaari ay
ipagbawal na ang labis na paglalaro ng Mobile legends. Lalo na umano kung ito
ay nakakasira na ng relasyon sa bawat pamilya.
Pinayuhan din ni Raffy Tulfo si Marc na gumawa ng paraan na
suyuin ang kanyang misis at kanila itong babalikan matapos ang isang linggo
para sa mga sumusunod na mangyayari.