Screencap photos from Youtube @24 Oras |
Laking
gulat ng isang pamilya mula sa Cebu City nang makatanggap sila ng Certificate
mula sa Health Department ng lungsod na nagsasabing gumaling na sa COVID ang
kanilang kaanak.
Labis
na pagka-dismaya ang naramdaman ng mga naulila dahil noong nakaraang buwan pa
raw ito yumao dahil sa acute respiratory failure at Pneumonia. *
Hindi
na nga raw nila nasilip o nadalaw man lang ang kanilang lolo simula ng dalhin
ito sa ospital dahil kailangan daw itong ilibing kaagad.
Ayon
sa mga kaanak ng pumanaw, sumakabilang buhay ang kanilang lolo noong Mayo 30 at
kinumpirma ito na nagpositibo sa sakit na COVID 19 noong ikalawa ng Hunyo.
Subalit
kanilang ipinagtataka kung bakit nakatanggap pa rin sila ng ‘certificate of Recovery’
mula sa Cebu City Health Department nitong Hulyo 2.
Nagdududa
tuloy ang mga kaanak ng yumao kung mapagkakatiwalaan pa daw ba ang datos ng
Department of Health (DOH).
Kaya
naman muling nanariwa ang kalungkutang nadama nang matanggap nila ang nasabing
sertipikasyon,
Ayon sa
balita ni Ian Cruz ng 24 Oras, mangiyak-ngiyak ang mag-pinsang si Stephanie at
Dorothy nang matanggap nila ang naturang sertipikasyon mula sa Cebu City Health Department. *
Screencap photos from Youtube @24 Oras |
"Sana po
gawin nila nang maayos ang trabaho nila. Naiintidihan naman namin na mahirap
talaga yung trabaho nila pero sana hindi na ito mangyari uli," pahayag ng
apo ni Mabatid.
"Sana
magbigay ito ng leksyon sa knila na mahirap tanggapin sa iba ang nagawa nila at
sana hindi ito mangyari sa iba," dagdag pa nito.
Ayon pa sa
balita, mula pa nitong mga nakaraang lingg ay nagkakaroon na ng di pagkakatugma
sa datos ng Cebu
City Health Department at ng Regional DOH.
Kaya
naman nagpasya ang pamunuan ng DOH Region 7 na sa kanila na manggagaling ang
mga datos kaugnay sa bilang ng mga kaganapan ukol sa mga naapektuhan ng COVID 19.
Hinihingan
naman ng paliwanag ang City Health Officer na si Dr, Daisy S. Villa na
nakapirma sa nasabing certificate tungkol sa nasabing insidente pero wala daw
ito sa kanyang tanggapan ng sandaling iyon.
Nais naman
ng mga opisyal DOH Central Visayas na siyasatin ang nasabing pangyayari. *
Screencap photos from Youtube @24 Oras |
“Irereview
din natin yan, kino-coordinate din natin ang ating reporting, atsaka yung mga
cases. So basically, these are the things that we need to improve.” Paliwanag ni
Dr. Guy Perez, Assistant Regional Director, DOH Central Visayas.
Sa
pinakahuling tala, nasa 7, 439 na ang total na COVID 19 cases sa Cebu, 3,292
naman ang aktibo at 359 naman ang mga nasawi.
Nasa
critical stage pa rin ang mg apribadong ospital sa Cebu City kung COVID bed
capacity ang pag-uusapan.
Naglaan
naman ng karagdagang 50 bed ward para sa mga COVID patient at nais pa sana nila
itong dagdagan ngunit kulang naman umano sila s anedical staff.
Ayon sa
DOH, anim na nurse ang idadagdag sa kanila bukod pa sa naunang sampung doktor
na ipinadala ng pamahalaan.
Kasama din
sa pagdadagdag pag-iingat ng Cebu provincial government ang paglalagay ng COVID
testing laboratory sa Mactan Cebu International Airport, na kaya raw makagawa
ng 3,000 tests kada araw at makukuha din ang resulta sa loob ng 24 hanggang 48 oras.
“Definitely,
Malaki ang maitutulong nito kaya pinatitignan natin kung saan ang magandang
strategic sites kung saan ay magiging responsive kung sino ang dapat ma-test.” Dagdag
pa ni Dr. Perez.
Lahat umano
ng dadaan sa airport ay isasa-ilalim sa testing.