Lolo sa Ilocos Norte pinatayuan ng bagong bahay ng grupo ng motorcycle riders - The Daily Sentry


Lolo sa Ilocos Norte pinatayuan ng bagong bahay ng grupo ng motorcycle riders



Photos courtesy of ABS-CBN



Sa isang barangay sa Maab-Abaca ng Piddig, Ilocos Norte, kung saan nakatira ang isang 88 na taong gulang na lalaki na kinilalang si Lolo Feliciano Domingo.

Base sa ulat ng ABS-CBN, nag-iisa lamang sa kanyang munting tahanan na gawa lamang sa pinagtagpi-tapging lumang mga yero at mga kahoy ang matanda.


Walang kasamang kamag-anak na mag-aalaga sa kanya. Wala ring asawa si lolo Feliciano kaya naman nag-iisa lang ito sa buhay.

Kaya naman nang makita na isang grupo ng motorcycle riders na Adjo Moto Club-Piddig ang kalagayan ng pobreng matanda, labis na lungkot at pag-aalala ang kanilang naramdaman para kay lolo Feliciano.

Ayon sa kwento ng president ng Adjo Moto Club o AMC-Piddig na si Dhoodz Pajita, "Ang sitwasyon po ni lolo is mag-isa siya sa bahay niya, wala siyang anak, wala pong asawa. Mahirap po 'yung situation niya,"

At dahil madalas namang nagsasagawa ng charity work ang grupo ni Pajita, napagpasyahan sila na magsagawa ng isang charity para kay lolo Feliciano. Kaya agad nagtulong tulong ang bawat miyembro nila para makaipon ng pondo para sa pagpapatayo ng bahay ng matanda.

Screencap photos from ABS-CBN

"Yung pondo po ay galing sa lahat ng members namin bale boluntaryo po sila na nagbibigay, meron po kaming mga member na nasa abroad kaya kapag nalaman po nila na mayroon po kaming charity, kusa po silang nagbibigay kaya ‘yun po ang ginamit namin na pinambili ng mga materyales," dagdag pa ni Pajita.


Sila na rin mismo ang nagtulong-tulong na gumawa ng bahay nito at matapos ang 12 araw, ay natapos nila ang pagtatayo ng kongkretong bahay ni lolo.

Gawa sa kongkreto ang munitng bahay ni lolo, kung saan meron itong matibay na pintuan, bintana, sariling kusina at maging kumportableng higaan na tiyak ay maiibsan na ang pangamba ng matanda.

May pa-house blessing pa ang grupo ni Pajita para sa bagong bahay ni lolo Felicaino. Nagsilbi itong regalo ng grupo para sa nakalipas na Father's Day.

Tuwang-tuwa naman si lolo Feliciano sa kagandahang loob na ipinakita sa kanya ng grupo na ito. “Nagpapasalamat ako sa grupo na ito," sabi ni lolo Feliciano sa salitang ilocano.


Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang grupo sa pagpapatayo ng palikuran naman ni lolo. Feliciano upang makumpleto na ang munting tahanan nito.

Screencap photos from ABS-CBN

Bukod pa dyan, binibisita pa rin ng grupo si lolo Feliciano tuwing dalawa hanggang 3 araw kada linggo upang masiguro na  nasa maayos na kalagayan ito.