Ang motorsiklo ay nakagawian ng gamitin ng mga Pilipino dahil mabilis kang makararating sa iyong pupuntahan at madaling makaiwas sa daloy ng trapiko.
Photo credit to the owner
Hindi lamang ito ginagamit bilang isang uri ng transportasyon, ginagamit narin ito upang magpadala ng mga kagamitan, pagkain at kung ano ano pa man.
Sa panahon ngayon na usong uso ang pagpapadeliver ng kagamitan, maraming riders ang pumasok sa ganitong uri ng trabaho.
Samantala, sa Facebook page na ‘Philippine Trends and News’, ibinahagi nito ang kwento ng ilang mga Lalamove Riders na halos maiyak na lamang matapos maloko ng isang taong walang puso na umorder ng magic pillows na nagkakahalaga ng 4,000 pesos.
Ayon sa post, Rosalyn Agustin umano ang pangalan ng umorder sa mga magic pillows ngunit pagdating ng mga riders sa address ay tsaka nila nalaman na wala umanong Rosalyn Agustin na nakatira sa lugar na iyon. Nabiktima sila ng 'fake booking.'
“Grabe! kawawa naman itong mga Lalamove Rider, pinagtripan sila, may nagpabook po sa kanilang Magic pillow worth 4k tapos ang ibinigay na pangalan ay “Rosalyn Agustin” pero iba ang address walang nakatirang Rosalyn Agustin," sabi sa post.
Narito ang buong post:
Narito ang buong post:
“Grabe! kawawa naman itong mga Lalamove Rider, pinagtripan sila, may nagpabook po sa kanilang Magic pillow worth 4k tapos ang ibinigay na pangalan ay “Rosalyn Agustin” pero iba ang address walang nakatirang Rosalyn Agustin.. walang nagawa ang mga delivery rider kundi umuwi ng luhaan at pagod, abonado pa.. may krisis na nga nagagawa nyo pang manloko ng mga taong naghahanapbuhay ng marangal para lang sa pamilya tapos ganito ang trip nyo? kung sino ka man makunsensya ka naman! paki Share na lang po para mapanagot itong Rosalyn Agustin.”
Walang magagawa ang mga riders kundi hanapan ng bagong buyer ang mga unan, ibalik kung saan nila kinuha o kaya naman ay iuwi na lamang sa kanilang tahanan.
Walang magagawa ang mga riders kundi hanapan ng bagong buyer ang mga unan, ibalik kung saan nila kinuha o kaya naman ay iuwi na lamang sa kanilang tahanan.
Hindi ito ang unang panloloko na nangyari sa mga delivery riders. Marami na sa kanila ang naloko at napagtripan. Sa kabila ng kanilang pagsisikap, pagod, hirap at pagtitiyaga ay may mga tao paring nagagawa silang lokohin.
Narito ang komento ng mga netizens:
***
Source: Philippine Trends and News