Bukod sa mga Doktor, Nurses, Pulis, Security guards, Janitors at iba pang patuloy na ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemya, maituturing din nating frontliners ang mga delivery riders.
Maritoni Fernandez and Jerome Gulang / Photo credit: PEP and Instragram
Umulan man o umaraw ay hindi nawawala ang mga riders upang makatulong sa atin ano man ang ating gustong ipadeliver na pagkain o ipadalang bagay.
Minsan ang iba sa kanila ay nabibiktima pa ng “fake booking” at talaga namang hindi kaaya-aya na mayroong gumagawa ng ganoong panloloko.
Ngunit sa kabila ng mga ganung pangyayari, may mga delivery riders parin ang nananatiling matapat at busilak ang puso. Katulad na lamang ng isang Lalamove Rider na si Jerome Gulang.
Jerome Galang / Photo from Instagram
Sa Instagram account ng aktres na si Maritoni Fernandez, ibinahagi nito ang katapatan ni Jerome na ibinalik ang isang envelope na naglalaman ng P130,000 sa kanyang customer na kapitbahay umano ng aktres.
Proud na pinasalamatan ni Maritoni si Jerome dahil sa ipinamalas nitong katapatan.
“Shout out to our neighbors Lalamove driver who was so honest today. She was a little dazed when she gave the wrong envelope to him this morning. 130k cash to be exact,” sabi ni Maritoni.
Nasa Cubao na umano si Jerome ng mapansin niyang tila mali ang ipinapadeliver ng kanyang customer.
“Jerome Gulang was already in Cubao when he realized she had given him the money instead of the package he was supposed to be delivering and went all the way back. you are an angel and the Lord Jesus will bless your honest heart, Jerome,” dagdag ng aktres.
Umani ng maraming papuri mula sa mga netizens ang pagiging matapat ni Jerome na kahit sa panahon ng krisis ay hindi nito pinag interesan ang pera.
***
Source: Maritoni Fernandez | Instagram