Lalaking taga India, Viral dahil sa Pagsusuot nito ng Gintong Face Mask kontra Coronavirus - The Daily Sentry


Lalaking taga India, Viral dahil sa Pagsusuot nito ng Gintong Face Mask kontra Coronavirus



Shankar Kurhade | Photo credit to the owner
Matapos makumpirma ang unang kaso ng novel coronavirus sa bansa, mistulang box office ang haba ng mga pila sa mga bilihan ng 'face mask'. Sa katunayan, halos magkaubusan na ang stock nito, na pinaniniwalaang pinaka-mabisang pangontra sa virus.

Marami na din ang naglabasang iba't-ibang klase ng 'face mask' at ang iba ay nag-trending na din sa social media dahil sa mga kakaibang istilo nito.


Shankar Kurhade | Photo credit to the owner


Shankar Kurhade, Photo credit to the owner
Ngunit sadyang kakaiba ang inilabas na face mask ng isang Indian national na si Shankar Kurhade, kung saan ipinakita niya ang kanyang gintong 'face mask' na pinasadya at binayaran nya daw ng halos $4,000 upang maprotektahan siya laban sa coronavirus.

Ang gintong metal na tumatakip diumano dito ay tumitimbang ng 60 grams at ginawa ng walong araw para lamang sa negosyanteng si Kurhade mula sa kanlurang lungsod ng Pune, India.


Shankar Kurhade, Photo credit to the owner
Ayon kay Kurhade, manipis lang daw ang mask at may maliliit na butas na tumutulong upang siya ay makahinga ng maayos habang suot ito.

Hindi din diumano siya sigurado kung talagang epektibo ito upang maprotektahan siya sa virus ngunit gumagawa naman daw siya ng iba pang paraan ng pag-iingat.

Kwento ni Kurhade, mahilig daw talaga siya sa mga gintong palamuti sa katawan, tulad ng mga alahas, kaya naman ng makakita daw sya ng isang lalaki na naka suot ng isang face mask na gawa sa pilak o silver, ay naengganyo din siya magpagawa nito, gamit ang ginto naman.

Buong pag-mamalaki din kinwento ng Indian national na marami na din daw ang nagpapakuha sa kanya ng larawan o "selfie" sa tuwing nakikita siya suot ang maskara at tila marami ang nagugulat at natutuwa tuwing siya ay nakikita.

Katulad ng sa Pilipinas, mahigpit na ipinag-uutos din kasi sa bansang India ang pagsusuot ng 'face mask' sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng virus.



Source: Yahoo