Hirap man ang marami dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa bansa at sa buong mundo, may mga tao pa ring hindi nakakalimot magpamalas ng kabutihan sa kanilang kapwa kahit sa mga mumunti nilang paraan.
Gaya na lamang ng lalaking taga San Jose, Nueva Ecija na hindi nagpatinag sa kanyang kalagayan. Hindi kasi naging hadlang sa kanya na magbahagi ng biyaya sa kapwa sa kabila ng kanyang kapansanan sa paglalakad.
Simula pa noong siya ay limang taong gulang pa lamang ay may kapansanan na si Christopher Porwelos.
Photo from Christopher's Facebook account |
Photo from Christopher's Facebook account |
Ang negosyong pinangalanan nyang Gotong Gala ay kilala sa kanilang lugar dahil sa kanyang pagsusumikap na maghanapbuhay ganun man ang kanyang kalagayan.
Marami na rin daw syang naririnig na papuri dahil sa kanyang sipag at tyaga ngunit lalo syang umani nito nang ilunsad nya ang “Gotong Gala Cares” sa gitna ng krisis.
Ayon sa ulat, namimigay siya ng mga pagkain sa mga walang pambili, sa mga preso, at mga frontliners.
Nakapagpapakain raw siya ng 250 katao sa bawat pag-ikot ng kanyang goto cart. Bukod sa goto, nag-lalaman din ang kanyang cart ng sopas, sotanghon, at mami.
Sumikat ang kanyang pagkakawanggawa kaya naman nagkaroon na rin ng sponsors mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang kanyang pagtulong.
Gayunpaman, mas mahalaga raw kay Christopher ang makatulong kaysa sa anumang papuri. Nais lang raw nyang magsilbing inspirasyon sa kanyang mga kababayan.