Larawan mula sa The Relatable |
Viral sa social media ang post ng isang Facebook page na SKWID, kung saan ay ibinahagi ng isang artist na mula sa Davao na si Marvin Tiberio ang kanyang mga nagawang obra gamit ang tinta ng pusit.
Ayon sa post, hinikayat ni Marvin ang mga kapwa pintor na hindi dahilan ang pagiging mahirap at kakulangan ng gamit upang hindi ituloy ang pangarap bilang isang pintor.
Ayon kay Marvin, marami umanong mga alternatibong bagay para gamitin sa pagpipinta tulad na lamang ng kanyang ginagawa.
Larawan mula sa SKWID |
Si Marvin ay gumagamit sa kanyang pagpipinta ng mga bagay na makikita lamang sa bakuran o kusina tulad ng luyang dilaw, tinta ng pusit, blue ternate flower at atsuete.
Larawan mula sa SKWID |
Pagbabahagi ni Marvin, noong una ay arcylic ang ginagamit niya sa pagpipinta ngunit may kamahalan ito kung kaya naman nagisip ito ng ibang alternatibo upang maipagpatuloy niya ang kanyang hilig na pagpipinta.
"Look for grasslands there's a lot of colorant plants and wild flowers. Squid inks are are being thrown by some squid eaters thinking its of no use, but one of the best and strong dye ever." ayon kay Marvin.
Larawan mula sa SKWID |
"If you can't afford expensive brushes, used old toothbrush, fingers, comb, crumbled used papers, used syringe (not medical), used sprayer, basin, strainer and many more to count." payo ni Marvin sa katulad nitong pintor na kapos sa gamit.
Larawan mula sa SKWID |
Ayon pa kay Marvin, tinta ng pusit ang madalas niyang gamitin sa kanyang mga obra.
Paliwanag naman ni Marvin na mayroong amoy ang tinta ng pusit ngunit kapag binabasa niya ito kapag natuyo na ay nawawala na umano ang amoy ng pusit.
Larawan mula sa SKWID |
“May amoy siya pero kapag binasa ‘yung finished na painting nawawala yung amoy ng tinta ng pusit. Cheer up mga ka-sining! Artists are creative and resourceful.”
Larawan mula sa SKWID |
Basahin ang buong post ng Facebook page na SKWID sa ibaba:
“Don't just quit painting because you can't afford to buy paints and inks. Look for grasslands there's a lot of colorant plants and wild flowers. Squid inks are are being thrown by some squid eaters thinking its of no use, but one of the best and strong dye ever. Mud, soil, house charcoal, tree bark, saw dust, and many more... organic pa. If you can't afford expensive brushes, used old toothbrush, fingers, comb, crumbled used papers, syringe (not medical), used sprayer, basin, strainer and many more to count. Cheer up mga ka sining! artists are creative and resourceful.
Larawan mula sa SKWID |
"I can do all things through Christ who strengthens me.
Larawan mula sa SKWID |
Dahil sa ibinahaging nakakabilib na talento ni Marvin ay inulan ito ng mga positibong reaksyon mula sa mga netizen.
“I love the family watching the sunset, the fisherman, and the artist! Keep it up and more power. Sobrang galing..
“Thanks for inspiring all of the artist here.. And i also thanking God because of giving us this Talents that painted in our hearts..
“Agreed po. A true artist is resourceful. You don't need the most expensive medium.
****
Source: SKWID