Lalaking hikahos, namigay ng saluyot at bunga ng malunggay kahit sa hindi nya kabarangay - The Daily Sentry


Lalaking hikahos, namigay ng saluyot at bunga ng malunggay kahit sa hindi nya kabarangay




Hindi man nakakaluwag-luwag sa buhay ay nagawa pa ring magbigay ng tulong ng isang lalaki sa kanyang mga kapwa sa gitna ng kasalukuyang krisis.

Hindi naging sagabal ang kahirapan para gumawa ng kabutihan sa kapwa ang isang lalaki mula sa Ilocos Norte.


Ayon sa isang ulat, walang sapat na pera para magbigay ng tulong pinansyal ang isang Ilocano pero hindi ito naging balakid sa kanya para magpakita ng malasakit sa ibang tao.

Sa Facebook post ng netizen na si Aldwin Chan Domingo, ipinagmalaki nya ang kababayan nyang namahagi ng tulong sa mga tao kahit hindi nya kabarangay ang mga ito.

Frontliners at residenteng nahihirapang makahanap ng makakain ang kanyang inabutan ng tulong.

“Sobrang natouch siya dahil akala niya ay iiwan lang nung tao yung mga saluyot at bunga ng malunggay sa mga frontliners considering yung sacrifice ng tao na kumuha sa ilalim ng matinding init at binisikleta pa niya pero binigay niya ng libre sa mga frontliners,” saad ni Domingo (translated in Tagalog) sa kanyang Facebook post.

 Sa mga taga Brgy. San Gregorio, San Nicolas, Ilocos Norte ibinigay ng lalaki ang mga gulay.

“Kahit ‘di siya nila kabarangay, alam pa rin niyang tumulong sa kanyang sariling pamamaraan sa mga kapwa niya naghihirap din. Maraming salamat daw sa kanya at sa pamilya niya at Diyos na ang bahalang magbigay ng katumbas ng sakrispisyo niya.” dagdag pa ng netizen.

READ Lolo, binawian ng ayuda mula sa social amelioration fund



READ Lolo, binawian ng ayuda mula sa social amelioration fund