Photo courtesy of Facebook |
Di lubos maisip kung paano ang Isang foreign national ay nakatagal
manirahan sa isang barong-barong na bahay sa isang maliit at payak na barangay
sa liblib na lugar ng Davao Oriental.
Isang banyaga na mas pinili pa ang mamuhay at magtayo ng maliit
na fishpond para sa mga mamayan ng maliit na barangay na ito.
Sa di inaasahan pangyayari, dumating ang krisis na dala ng coronavirus,
at kinailangan pang magdeklara ng quarantine na dumagdag pa lalo sa hirap ng
pamumuhay sa nasabing lugar.
Ngunit hindi ito naging balakid sa banyagang ito, determinado
sa kanyang adhikain na makatulong sa ating mga kababayan at mas pinili pang
manirahan sa walang kasihguraduhag lugar kapalit ang marangyang pamumuhay sa Europa.
Siya si Anselm, isang 28 years old mula sa bansang United
Kingdom, nakapangasawa ng Pinay at naninirahan sa Davao City.
Nagpasya si Anselm na magtayo ng isang fishpond sa bayan ng
Cateel, Kahit wala ni kaunting kaalaman sa industriya ng pag-aalaga ng isda at
wala ni sinumang kilala sa lugar. Ilang buwan din ang kanyang ginugol upang aralin
at paghandaan ang kanyang fishpond di kalayuan sa isang ilog.
Larawan mula sa Becoming Filipino Facebook page |
Nakihalubilo si Anselm sa mga mamayan ng barangay “Baybay”,
inalam ang pamumuhay at kalakaran ng mga tao doon, nag-aral magsalita ng Bisaya,
namuhay bilang isang ordinaryong mamayan sa nasabing barangay.
Maraming beses ng nabigo si Anselm sa kanyang negosyo,
nariyang niloko sya ng kanyang mga dating trabahador, bumagsak ang presyo ng
isda dahil sa paglaganap ng corona virus, nasiraan ng sasakyan na maghahatid ng
kanyang mga isda, kulang na stock ng yelo at maraming pang iba.
Subalit, hindi pinanghinaan ng loob si Anselm sa dami ng
problemang kinakaharap. Sa katunayan pa nga nang sya ay kapanayamin, kanyang
sinabi na sadyang mayroon talagang mga
taong mabubuti at mga taong hindi maganda ang hangarin sa kapwa, pero mayroon
din namang mga tao na talagang tumulong sa kanya, at mayroon din nagsamantala
sa kanyang kahinaan.
Larawan mula sa Becoming Filipino Facebook page |
"Well, there were good people, people who did bad
things, people who helped me... and people who took advantage of me." ani
Anselm.
Nitong nakaraang Oktubre, unang nagharvest si Anselm ng kanyang
mga alimango. At gaya ng nabanggit, Malaki ang nalugi ni Anselm dito. Patuloy
pa rin si Anselm sa kanyang Negosyo dahil naniniwala sya na magiging maayos din
ang lahat at para na rin sa komunidad ng Baybay ay gagawin nya ito.
Sumubok naman sa pag-aalaga ng bangus ni Anselm nitong
Pebrero, upang patuloy na makapagbigay hanap buhay sa mga tao dito at maging
matagumpay sa kanilang munting Negosyo.
Ngunit pagdating ng Marso ay nagdeklara ng quarantine na naging
dagdag na naman ito sa kanyang maraming pagsubok.
Bago pa ang quarantine, sa Davao umuuwi si Anselm at siya ay
bumabyahe lamang araw-araw papunta sa kanyang fishpond. Pero nung magquarantine
na ay napilitan nang manirahan si Anselm sa barung-barong na malapit sa kanyang
fishpond at iwan pansamantala ang kanyang asawa sa Davao.
Ang barong-barong ni Anselm malapit sa kanyang Fishpond | Larawan mula sa Becoming Filipino page |
Sa loob ng tatlo at kalahating buwan, natiis manirahan si
Anselm sa sira-sirang kubo kung saan walang kuryete, walang maayos na patubig,
at maging ang kaniyang palikuran ay talaga naming karima-rimarim sa paningin. Tiyak
na kahit tayong mga pinoy ay di makakatagal manirahan sa bahay na ganito.
Tiniis lahat ito ni Anselm upang matutukan ang kanyang fishpond,
upang maalagaan ito at maiwasan ang pagkalugi. At kahit naging masakit man sa
kanya na mawalay sa kabiyak sa loob ng halos apat na buwan. Ngunit pinili ni
Anselm manatili dito.
Dahil naniniwala si Anselm na mahal nya ang Pilipinas. Kahit
naging mahirap sa kanya ang makipag-usap sa ating mga kababayan, nagpursige syang
mag-aral magbisaya. Nang tanungin sya kung bakit Bisaya sya makipag-usap sa
kanyang mga trabahador.
Ani Anselm, magiging mahirap para sa ating mga
kababayan ang magsalita ng English at mahihirapan silang magkaintindihan. Kaya mas ninais ni Anselm na sya na lang ang mag-aral ng bisaya.
Ang palikuran ni Anselm | Larawan mula sa Becoming Filipino page |
"Well it would be tough for them if I just spoke
English, so it is only right that being here, I take the hit, and try doing
everything in Bisaya." Sabi ni Anselm.
At pagkaraan ng ilang mga linggo ay nagbunga na nga ang
kanyang sipag at pagta-tyaga, naging masagana ang ani ng bangus ni Anselm kaysa
sa kanyang inalagaang mga alimango.
Sa kabila ng mga paghihirap at mga pagsubok na dinadanas ni
Anselm, kung hindi naging matatag ang kanyang loob, ay marahil sumuko na ang
sinuman.
Pero dahil napamahal na sa kanya ang mamuhay sa ating
bansa, lubos syang naniniwala sa kakahayan at kagandahang loob ng mga tao sa bayan ng Baybay.
Talaga naman nakaka-inspire ang kwento ni Anselm na sana ay
maging inspirasyon din ito sa iba pang mga dayuhan na napamahal na sa ating
bansa.
Loob ng barong-barong kung saan natutulog ang Welshman | Larawan mula sa Becoming Filipino page |
Si Anselm, isang Welshman ngunit isang tunay na Pinoy sa
puso at isipan. Saludo kaming mga Pinoy sayo!