Kampo ni DJ Loonyo sa bago nitong kinakaharap na kontrobersiya: We sincerely apologize. We mean no offense - The Daily Sentry


Kampo ni DJ Loonyo sa bago nitong kinakaharap na kontrobersiya: We sincerely apologize. We mean no offense



DJ Loonyo


Naging mainit agad ang mga naging reaksyon ng mga netizen sa kakatapos lamang na pagtampok ng kwento ng buhay ni DJ Loonyo o Rhemuel Lunio sa totoong buhay, sa isang bagong episode ng ipinalabas sa Magpakailanman, isang drama anthology show ng GMA network. 

Itinampok ang mga naging karanasan ni Loonyo bago pa man niya naabot ang kasikatan niya ngayon. 

Ngunit isang matinding pagsisiwalat ang bumulaga agad sa social media pagkatapos lamang ng palabas ng Magpakailanman. Dito kung saan naglabas ng mahabang paglalahad ang dating girlfriend ni Loonyo na naitampok din sa kwento na si Aika Flores.


Idenetalye ni Flores ang kanyang bersyon ng kwento na umanoy ang katotohanan at kabaligtaran sa kung ano ang lumabas sa telebisyon. Ito ay umani at dinagsa agad ng pagsuporta mula sa mga netizens. Sa ngayon, ang naturang post ay umabot na agad ang 96K reactions sa Facebook, 42K na mga Komento at 109K na Shares.


Larawang ibinahagi ni Aika Flores

"Ako po yung nanay nung anak ni rhemuel na sinalaysay niya sa isang show ng GMA. di ko na mapigilan di magsalita kasi SOBRA NA. sobrang pagmamalinis at kasinungalingan na ng taong to," 

Dahil sa pangyayari, nag issue naman agad ng liham upang magpaliwanag ang kampo at management ni Loonyo.


 "First and foremost, DJ Loonyo conducted an interview to share intimate and publicly unknown details about his life for the coverage, with the request to omit or leave out some sensitive parts, particularly pertaining to his son. We, as management and team, signed a contract allowing the program to enhance certain aspects of his life because it is still, in fact, for a dramatic TV show retelling," saad nila sa inilabas na statement.

Kopya ng statement ng kampo ni Loonyo

"On behalf of Rhemuel or DJ Loonyo, we would like to sincerely apologize to the individuals or their families who were offended by the retelling of his life story,  We genuinely mean no offense, nor wish any ill or harm on anyone, most of all that of his son,"

Ginampanan ng Kapuso aktor na Jak Roberto ang role bilang si DJ Loonyo.


***

Source:  DJ Loonyo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!