Photo credits: Dustin Rafael Cinco |
"Shoutout kay kuyang pulis na nakasabay ko nung Monday at around 1:30pm bumili sa Dimsum Treats sa Dapitan."
Iyan ang bungad ng isang concerned netizen sa kanyang viraI na post sa social media post patungkol sa isang pulis na nakasabay niyang bumili sa isang tindahan sa Dapitan, Maynila.
"Nauna ako sa kanya. While waiting sa order ko (take out only baon ko sa 2 to 10pm duty ko and some frozen dimsums na iuuwi ko sa bahay) dumating sya. Pagbaba nya sa motor siya naman ung umorder (observing social distancing) ung order nya parang 4pcs siomai lng na worth 45 pesos. Binayad nya 1k (1,000 pesos). Since mas konti ung order nya mas naunang nabigay ung order nya kahit na nauna ako sa kanya. Pagkakuha nya ng order nya lumapit sya kay tatay na naka blue na nagtitinda ng pinipig flavor ice drops," kwento ni Dustin Rafael Cinco, na isang midwife at frontliner din.
Narito ang mga sumunod na pangyayari:
Photo credits: Dustin Rafael Cinco |
"So si tatay napatayo mula dun sa pagkakaupo nya sa tabi ng metro ng tubig. Nakaupo lng sya dun habang pinapatunog ung bell ng ice cream while nagaantay ng bibili sa kanya. Si tatay mga around 65 above na ung age. Kasi medyo mabagal na sya maglakad (napansin ko nung paglakad nya nung paalis na sya) tapos medyo mahina na ung pandinig nya. So lumapit na si kuyang pulis. Bumili sya ng 2 pirasong pinipig flavor na ice drops na sa tingin ko wala pang 50 pesos ung 2 piraso na un.
Nagulat ako sa binayad ni kuyang pulis. Ung almost 900 plus pesos na sukli nya sa dimsum treats binayad nya lahat kay tatay (kitang kita ko kasi may 500 pesos plus madaming 100 peso bills) si tatay nagulat din. Ibabalik nya sana ung sukli kaso si kuyang pulis dumiretso na sa motor nya tapos akmang aalis na. Pagkaalis ni kuyang pulis (sympre pinicturan ko muna sya bago makaalis hahaha) natuwa ako para kay tatay.
Photo credits: Dustin Rafael Cinco |
Maagang nakauwi si tatay at nakapagpahinga may kinita sya na pang 1 buong araw kahit na iilan lng ang nabawas sa paninda nya.
Sa mga kaibigan kong pulis jan baka naman kilala nyo si sir pakisabi nlng God bless sa kanya! Ako lng sguro ung nakakita doon sa ginawa nyang un. Pero alam naman natin na may iba pang nakakita ng magandang asal nya na un. At sure ako pagpapalain pa sya ng husto!!!"
Napagalaman na ang pulis na ito ay si Police Corporal Sirjon Nacino na nauna ng nag-trending matapos niyang bigyan ng $100 o perang may halagang halos o higit sa 5,000 pesos ang isang rider na sinita niya sa isang checkpoint sa Maynila.
Imbes na ticketan, binigyan ng nasabing pulis ng $100 ang rider matapos niyang malaman na isa pala itong working student, at nagtatrabaho bilang part time food delivery rider upang may pangtustos sa kanyang pag-aaral habang may lockdown.
Photo credits: Joshua Read |
Saludo po kami sa inyong mabuting puso, Police Corporal Sirjon Nacino!
Source: 1, 2