Isang lalaki nakapag patayo ng mansyon mula sa online gaming at vlog - The Daily Sentry


Isang lalaki nakapag patayo ng mansyon mula sa online gaming at vlog



Photo credit: ChooxTV | Google



Marami sa atin na ang akala pag online gamer ka, tamad ka na at malayong maging matagumpay sa buhay dahil puro laro lang at hindi nag hahanap buhay.

Para sa iba, masasabing matagumpay ka kung ikaw ay nakapag pundar na ng magarang sasakyan, maraming pera, at malaking bahay na tila mansyon.


Ngunit isang online gamer mula sa Mindanao ang nagpatunay na hindi lahat ng manlalaro ay walang maaring marating sa buhay. Sa katotohanan, may pera talaga sa paglalaro, hindi lang basta basta, dahil maaari kang kumita ng malaki kung alam mo ang dapat gawin.

Si Edgar Dumali ay isang gamer na nag-vlog sa pamamagitan ng kilalang ChooxTV channel. Hindi niya akalain at pinangarap na kikita pala siya ng malaki sa paglalaro online.

Ayon sa isang article ng Buzzooks.com, kasalukuyang nagpapatayo si Edgar o mas kilala sa tawag na Choox, ng kanyang pangarap na mansyon.

Kamangha-mangha ang laki ng bahay na kanyang pinapatayo, bagay na tiyak magpapabago ng pananaw ng karamihan sa mga online gamers.

Photo credit: ChooxTV | YouTube

Sa pamamagitan ng kanyang mga kita mula sa paglalaro at vlogging, nagawa ni Choox na makapag patayo ng engrandeng bahay.  *


Ibinahagi ni Dumali na may nauna na siyang disenyo para sa kanyang bahay, ngunit dahil tila may kulang, naghanap siya ng ibang arkitekto at doon nga nabuo ang disenyong nasa isip niya.

Photo credit: ChooxTV | YouTube

Talaga namang kahanga-hanga at nakaka mangha ang ganitong klaseng tagumpay ng mga online gamers. Habang ginagawa mo ang bagay na gusting-gusto mo ay kumikita ka pa ng malaki.



Photo credit: ChooxTV | YouTube