Isang bilyonaryo, handang magbigay ng $180 Million sa lalaking magpapa-ibig sa anak na babae - The Daily Sentry


Isang bilyonaryo, handang magbigay ng $180 Million sa lalaking magpapa-ibig sa anak na babae



Larawan mula sa PRI
Nag-alok ng 180 milyong dolyar ang isang bilyonaryo sa Hong Kong na si Cecil Chao Sze-tsung sa kung sino mang lalaki ang makakapagpa-ibig at magpapakasal sa kanyang nag-iisang anak na babae na si Gigi Chao.

Ang una umanong nagplano sa ganitong konsepto ay ang ama ni Cecil na siyang lolo ni Gigi na una nang nag-alok ng 65 milyong dolyar hanggang sa lumipas ang panahon ay tumaas ito hanggang umabot na sa tumataginting na 180 milyong dolyar.

Ayon sa balita, noong mga panahong iyon ay mayroon na umanong bumihag sa puso ni Gigi na si Sean Eav, ngunit isa umano itong tomboy na malabong makabuo sila ng kanilang sariling anak na pangarap ng kanyang ama na si Cecil.
Larawan mula sa Independent
Ang nobya ni Gigi na si Sean ay taga-France na ayon sa balita ay siyam na taon nitong niligawan si Gigi bago niya ito mapasagot.

Hindi nagtagal ay lumalim pa ang pag-iibigan ni Gigi at Sean kung kaya naman naisipan na nilang magpakasal sa bansang France, ngunit hindi naman pabor ang ama ni Gigi sa kanilang relasyon.

Dahil hindi matanggap ng bilyonaryong si Cecil ang pakikipag-relasyon ng kanyang anak sa kapareho nitong kasarian ay sinabi nito sa publiko na single pa ang kanyang anak at magbibigay ito ng pabuyang 180 milyong dolyar sa lalaking makakapagpa-ibig sa kanyang anak na si Gigi.

Dahil sa ginawang ito ni Cecil ay nagkaroon ng alitan ang mag-ama at gumawa si Gigi ng isang open letter para sa kanyang ama.

Basahin sa ibaba ang ilang nakasulat sa open ni Gigi para sa kanyang ama.
Larawan mula sa Vancouver Sun
"I understand it is difficult for you to understand, let alone accept this truth.

"I do love my partner Sean, who does a good job of looking after me, ensuring I am fed, bathed and warm enough every day, and generally cheering me up to be a happy, jolly girl. She is a large part of my life, and I am a better person because of her.
Larawan mula sa People's Daily
"I’m sorry to mislead you to think I was only in a lesbian relationship because there was a shortage of good, suitable men in Hong Kong.

"There are plenty of good men, they are just not for me."

Larawan mula sa flickr


****

Source: Independent