Ina, ibinahagi ang epektibong paraan para limitahan ang anak sa sobrang paggamit ng cellphone - The Daily Sentry


Ina, ibinahagi ang epektibong paraan para limitahan ang anak sa sobrang paggamit ng cellphone



Larawan mula kay Wendy Baluyot

Karamihan ngayon sa mga bata ay sobra ng nahuhumaling sa mga makabagong teknolohiya katulad ng cellphone na kadalasan ay hindi na maganda sa kalusugan ng isang bata.

Minsan ay kapag nahawakan na ng isang bata ang kinahuhumalingan nitong cellphone ay hindi na ito makausap na maayos o madalas ay hindi na rin kumakain at natutulog sa tamang oras.

Dahil dito, isang ina ang nagbahagi sa kanyang Facebook account kung paano maiiwasan ng isang bata ang masyadong makahumaling sa smart phone.

Ayon kay Wendy Baluyot, dati ay sobra ang pagkahumaling ng kanyang anak sa telepono dahilan ng laging late na ito matulog, ngunit simula ng ginamit niya ang epektibong paraan na ito ay napigilan niya ang anak sa lubos na paggamit ng telepono.
Larawan mula kay Wendy Baluyot
"Dati sobrang adik nto sa cp . madalas past 12 na gcng padn nag yu-youtube. pero cmula ng ginamit ko to wala na xa palag." ayon kay Wendy.

Pagbabahagi ni Wendy, dinownload niya sa telepono ng kanyang anak ang application na 'GOOGLE FAMILY LINK FOR PARENTS' na kung saan ay maaari mong limitahan ang oras ng paggamit ng iyong anak sa kinahuhumalingang telepono.

Ayon kay Wendy, ang application na ito ay mayroong kakayahan na i-lock ang cellphone kung kailan mo man gustuhin at hindi ito magagamit hanggat walang permiso.
Larawan mula kay Wendy Baluyot
"Naacces ko ung cp na gamit nya, pwede ko lagyan ng limit kung ilang hours lang xa pwede gumamit day time and meron din bedtime na kusa xa maglalock. di nya maaacces buong phone kht anong gawin nya sa specific na time na iseset mo. pwede ko din ilock anytime cp nya pag gusto ko." paliwanag ni Wendy.

Basahin ang buong post ni Wendy sa ibaba:

"share ko lang kung gano ka effective to sa anak ko.

"nakita ko lang din somewhere sa nf kaya tinry ko.

"dati sobrang adk nto sa cp. madalas past 12 na, gising padin nag yu-youtube.

"pero simula ng ginamit ko to wala na xa palag..

"naacces ko ung cp na gamit nya, pwede ko lagyan ng limit kung ilang hrs lang xa pwede gumamit day time and meron din bedtime na kusa xa maglalock. di nya maaacces buong phone kahit anong gawin nya sa specific na time na iseset mo.  
Larawan mula kay Wendy Baluyot
"pwede ko dn ilock anytime cp nya pag gusto ko..

"kada magdadownload xa need pa ng approval ko kaya di xa basta basta makakapag download ngaun sa sobrang boring nya wala xa magawa di mahawakan cp nya, maaga nalang xa natutulog. 

"try nyo din mga mamsh 

"DOWNLOAD nyo lang sa play store ung GOOGLE FAMILY LINK FOR PARENTS then set up nyo. dapat hawak nyo din cp ng anak nyo dahil idadownload nyo din ung app na GOOGLE FAMILY LINK FOR KIDS AND TEENS sa cp niya.

"sundin lang lahat ng steps sa family link for parents bago nyo idownload ung family link for kids. 


****