Kadalasan, ang mga pagsubok sa buhay ay dumarating sa atin sa mga hindi natin inaasahang pagkakataon. At dahil madalas ay nangyayari na lang ito ng biglaan, kung minsan ay hindi tayo handa.
Isang halimbawa na dito ang nangyaring krisis noong 2019 kung saan tila tumigil sa pag ikot ang mundo. Dulot nito, maraming tao ang naapektuhan hindi lang sa buong Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Isa na rito ang pinay OFW o Overseas Filipino Worker na nagtatrabaho sa middle east.
Kilalanin ang OFW na nakabase sa UAE na si Remedios Bombon at tunghayan ang kanyang nakakaantig na kwento.
MALAKING PROBLEMA
Sa isang panayam, ibinahagi ni Remedios ang storya ng kanyang buhay.
Aniya, bago pa man daw sya manalo sa lotto ay may malaki na syang pasan-pasan na problema dahil nawalan raw sya ng trabaho bunsod ng pandaigdigang suliranin.
Kaya naman para sa isang tulad nya na lumipad pa ng ibang bansa para lang kumita ng pera, malaking problema ang mawalan ng trabaho dahil sa sahod lang nya sya umaasa.
Ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat ng ito nang palarin syang manalo ng limpak-limpak na pera. Ito ay matapos nya umanong itaya sa lotto ang kanyang kahuli-hulihang pera nya sa wallet para magbakasakaling manalo ng malaking papremyo.
INSTANT MILLIONAIRE
Sa isang napaka pambihirang pagkakataon, naging instant millionaire ang pinay matapos nitong itaya ang kanyang last money sa lotto.
Sa gitna ng krisis, pinalad maging milyonarya si Remedios na syang kasalukuyang nagta-trabaho sa United Arab Emirates nang abutan ng pandemya.
Kwento nya, isa syang housekeeper at bus attendant doon bago ipinatupad ang lockdown sa kanilang lugar na naging sanhi ng pagtigil ng ilang industriya kabilang na ang mga pinag-tatrabahuhan nya. Ngunit housemaid raw ang kanyang unang naging trabaho pagdating nya sa UAE.
Hindi umano naging madali para sa kanya na tanggapin ang kawalan ng trabaho noon dahil mag-isa lang syang bumubuhay sa kanyang mga anak.
LAST MONEY
Ayon kay Remedios, kahuli-hulihang pera nya na sa pitaka ang AED60 o humigit kumulang ₱800+ nang itinaya nya ito sa lotto, kung kaya naman pikit-mata na lang raw nya itong ginawa kahit pa alam nyang suntok sa buwan ang manalo.
Bago manalo, tatlong buwan na umano syang walang trabaho dulot ng pagsasara ng mga kumpanya bilang pag-iingat sa sakit, kaya naman ito umano ang nagtulak sa kanya para magbakasali sa lotto.
Pagbabahagi ng OFW, ang dasal raw nya noon ay kahit pa apat na numero lang ang mapanalunan nya ay sapat na sa kanya. Subalit laking gulat raw nya nang pati ang ikalimang numero ay nakuha rin nya.
Pagdedetalye nya, ang mga numerong tinayaan nya ay mula sa petsa ng kaarawan ng kanyang mga anak.
Hindi raw sya makapaniwala sa AED 333,333 o nasa ₱4.5 million na kanyang napanalunan mula sa last money nyang AED60 o ₱800+ lang.
WELL-DESERVED
Aniya, naging emosyonal raw sya ng lubos sapagkat napabalik-tanaw raw sya ng ‘di oras sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan bago nya napanalunan ang ganoon kalaking halaga ng pera.
Dahil dito, makakapagpagawa na raw sya ng sarili nilang bahay at makapagbibigay na rin sa kanyang mga kapatid nang pangpuhunan para sa kani-kanilang mga negosyo.
Bukod kasi rito, isa raw sa mga inaalala nya noon ay ang kanyang asawa na bed-ridden na.
Tunay na walang tatalo sa pagmamahal ng sadyang mapaghimala na nasa taas. Sa mga panahong akala mo ay wala nang pag-asa, bigla na lang may ipagkakaloob sa iyong pagpapala na hindi mo inaasahan.