Si Tiffany Uy na nakapagtapos sa University of the Philippines ang may highest grade record holder na naitala mula noong World War II.
Si Uy ay grumaduate noong Linggo sa UP College of Medicine Class of 2020 with latin honors. Bukod sa pagiging magna cum laude, siya ay pinarangalan din “with the Faculty Gold Medal as the class valedictorian.”
Noong 2015 ay si Uy din ang may pinakamataas na weighted average grade (WAG) sa UP mula noong World War II sa GWA na 1.004. Siya ay suma cum laude sa kursong BS Biology.
Ang dating may hawak ng highest record ay si John Gabriel Pelias, isang BS Mathematics graduate noong 2011.
Ayon sa records ng UP, ang highest weighted average grade (WAG) na naitala sa kanilang paaralan ay 1.0. Siya ay si Exequiel Sevilla na nakapagtapos noong 1927 sa kursong BS Business Administration.
Samantala, trending ngayon sa Twitter ang pangalan ni Tiffany Uy at dumadagsa ang paghanga at pagbati ng mga netizens sa kanya.
***
Source: GMA News Online