Larawan mula sa Facebook ni Gladys Guevarra |
Para kumita
ng pera lalo na ngayong may pandemya ay naki join na ang komedyante at host na
si Gladys Guevarra sa listahan ng mga artista na nag online business.
Si Gladys
ang nagtatanghal sa Klownz at Zirkoh na
pag-aari ni Allan K na napabalitang nagsara na rin dahil sa coronavirus disease
2019 (COVID-19).
Ayon sa
ulat ni Cata Tibayan sa “24 Oras” ng GMA News, si Gladys o mas kilala ring
tawagin na “Chuchay” ay nagbebenta ng “palitaw” na may iba’t-ibang flavor.
Kwento pa
ni Gladys siya mismo ang namimili ng mga sangkap para sa kanyang paninda, at minsan
nga daw ay hindi maiwasan na may makakilala sa kanya at nagugulat sa kanyang ginagwa.
"Ako
na lang din nagbibiro. 'Eto naman, bakit ano ba kailangan, ano ba criteria para
mag-tinda?' sabi ko sa kanya. 'Kailangan ba hindi artista?'" pagbabahagi
ng komedyana.
Sa isang hiwalay
na post, binahagi ni Chuchay ang kanyang routine sap ag prepare ng kanyang palitaw.
Aniya, mahalaga
na nakasuot ng mask, hairnet at gloves para sa food sanitation.
“Share ko
lang, lalo sa mga kaibigan natin dyan na nagbebenta ng food. In handling your
food prep, wear a mask, hair net, gloves. Napaka importante nyan sa food
handling, ang sanitation. Para safe sa kalusugan ng ating mga customers.”*
Larawan mula sa Facebook ni Gladys Guevarra |
Ayon pa sa
kanya, hindi kailangan na maging graduate ng Culinary para matutunan ang
ganitong bagay.
“Hindi po
ako naka-graduate ng Culinary dahil sa shows ko dati, pero kahit di ka
Culinary, isa sa basic na kailangan sa pag handle o prep ng pagkaing ibinibenta
nyo. Lalo sa panahon ngayon, na talsik ng laway ang issue.”
“Mask para
kahit nagsasalita kayo while preparing the food, hair net para walang
aksidenteng buhok na mapunta sa pagkain, yang scarf nilalagay ko para yung
pawis hindi tumutulo sa mukha na pwedeng mahulog sa pagkain. And bago ako nag
s-start ng prep ng lahat ng pagkaing binebenta ko, matinding sanitize ang
dinaranas ng buong magandang kusina ko.” Dagdag pa ni Chuchay
Hinikayat
din ng tinaguriang “Palitaw Queen” ang
mga nais magsimula kahit sa maliit na negosyo lang.
"Lahat
ng puwedeng pag simulan, fishball, kung anu-anong maliliit na bagay," aniya
"'Yung mga mayayaman di naman overnight naging mayaman 'yan di ba?"*
Larawan mula sa Facebook ni Gladys Guevarra |
Samantala,
binahagi din ni Gladys ang kanyang pakikipag kwentuhan sa talipapa na nagulat nang
malaman na siya ay nagtitinda.
“Sabi nu’ng
kausap ko sa talipapa kanina . . . ‘Ha?! Eh di ba artista ka? Bakit ka
nagtitinda ng Palitaw?’
“Weh ano
naman ngayon ate, naisip mo pa yun? Ang requirements ba sa pagtitinda,
kailangan hindi artista?
“TaranTula
pala tong si Ate eh! Hahaha! Gusto ko pa nga magtinda ng turon, halo-halo,
ginatan, totong, lumpiang sariwa, pansit, lumpiang pritong gulay. Ano problema
dun?
“Ikaw nga
ate, nakatayo ka lang sa talipapa, nakikipag-tsismisan ka sa tindera. Hahahaha!
“Ate, hindi
pa uso ang Covid balak ko na magtinda ng barbecue sa harap ng bahay ko. Hindi
lang pwede, kase mga kapitbahay ko, congressman, senators, mayors.
“At kaya
ako umalis dun, hindi inaabot ng ayuda. Bhuset!”
Larawan mula sa Facebook ni Gladys Guevarra |