Estudyanteng may kapansanan, nagsisikap magbenta ng pagkain para buhayin ang pamilya - The Daily Sentry


Estudyanteng may kapansanan, nagsisikap magbenta ng pagkain para buhayin ang pamilya



Larawan mula sa Facebook
Minsan sa buhay ay kung sino pa ang may kapansanan ay siya pa yung nagpupursiging magtrabaho upang kumita ng pera nang sa ganoon ay mabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang mga mahal sa buhay.

Katulad na lamang ng estudyanteng si Jackie, 21 years old na isang PWD na nagtitinda ng mga pagkain sa eskwelahan para buhayin ang kanyang pamilya.

Sa kabila ng kanyang kondisyon, nagsisipag si Jackie na maghanapbuhay para makabawi sa kabutihan ng kanyang mga magulang na kapwa may mga nararamdaman na rin.
Larawan mula sa Facebook
Si Jackie ay nagtitinda ng kikiam, vege balls, turon at graham ball na sarili niyang niluluto at kwento pa niya ay sa araw-araw na kanyang paglalako ay nauubos naman umano ang lahat ng kanyang paninda sa tulong na rin ng kanyang mga kapwa estudyante na kanya ng mga suki.

Napagalaman na anim na tao ang binubuhay ni Jackie, kabilang dito ang kanyang nanay at tatay, kuya, dalawang pamangkin at kanyang sarili.

Sa kabila ng kanyang lagay sa buhay ay nagsisikap si Jackie para kumita at makatulong sa kanyang pamilya.

Araw-araw ay nag-iikot si Jackie sa mga paaralan para magbenta ng kanyang panindang pagkain, pinapayagan naman umano si Jackie ng paaralan na magikot-ikot sa mga classroom.
Larawan mula sa Facebook
Dahil sa angkin na kabutihang loob at kasipagan ni Jackie ay talaga namang mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang.

Ang kanyang ama at ina ay may edad na rin at mayroon na rin nararamdaman dahilan ng hindi na rin sila makapagtrabaho upang makatulong rin kay Jackie.

Pangarap ni Jackie na mapagawa ang kanilang bahay dahil kaliwa't kanan umano ang tumutulo sa kanilang bubong kapag umuulan.

Pangarap din ni Jackie sa kanyang pamilya na maparanas kahit papaano sakanila ang buhay na marangya kung kaya nagsisipag siyang maghanapbuhay.

"Sila po yung inspirasyon ko, sakanila po ako humuhugot na lakas para magawa ko ang pangaraw-araw kung ginagawa, sakanila ko inaalay lahat ng sakripisyo ko kasi mahal na mahal ko po yung mga magulang ko dahil sila po yung buhay ko, sila po ang pangarap ko, sila po ang inspirasyon ko, lahat lahat na po sakanila, kung wala po sila ay wala rin po ako napakaswerte ko po na anging magulang ko sila kasi napakabuti po nila." ayon kay Jackie.

Hindi mapagkakailang si Jackie ay isang ehemplo ng isang mabuting Pilipino at mabuting anak ng Diyos.

****