Photo to credit to KMJS |
Ang kababalaghan na ito ay nagaganap daw sa ilog ng Minalungao sa General Tinio sa Nueva Ecija na kumukursunada diumano sa mga lalaking may itsura.
Photo credit to KMJS |
Ngunit ang ganda daw ng ilog na ito ay nababalot ng isang misteryo, dahil palagi daw may nalulunod dito at karamihan ay lalaki na "POGI", at nangyayari ito kada taon.
Ayon kay Rolly Sarmiento, lifeguard sa nasabing lugar, ang karamihan sa mga nasasawi sa ilog dahil sa pagkalunod ay magagandang lalaki.
"Wala ho kasi akong sinisid na patay dyan na panget, magandang lalaki lahat.", ani Sarmiento.
Kwento ng isang ina na nawalan ng anak doon, taong 2010 ng bumista sa Minalungao river ang anak niyang si Ravenn.
Ayon kay Aling Vilma, isang araw ay may nagsabi na lang sa kanya na nawawala ang anak. Hinanap nila ito sa lugar, nag-antay buong magdamag at kinabukasan ay nakita ang bangkay nito na nalunod na nga. At ang sabi-sabi ay may humila daw sa paa nito.
Isa sa mga nalunod at nasawi | Photo credit to KMJS |
Samantala isang grupo naman ng magbabarkada ang hindi nagpapigil ituloy ang planong "outing" sa nasabing ilog, sa kabila ng mga banta ng mga nakatatanda doon.
Photo credit to KMJS |
Isa sa magbabarkada diumano ay may third eye. Siya ay si Marlon. Kwento ni Marlon, pagdating pa lang daw nila doon ay may naririnig na syang parang may sumisitsit at bumubulong na parang boses lalaki na nasa loob ng aquarium o nasa ilalim ng tubig.
Hanggang sa naligo na nga sila sa ilog at kumuha ng mga litrato.
Pag-uwi ng magkakaibigan ay nagulat sila ng may nakitang kakaiba sa isang litrato kung saan makikita ang isang parang kamay na nakahawak sa bandang paa ni Noel, isa sa grupo.
Titigang mabuti ang mga larawang ito.
Photo credit to KMJS
|
Kwento ng magkakaibigan, malapit daw talaga sila at tila laging sinusundan ng mga elemento saan mang lugar sa Pilipinas sila mapadpad.
Dito ay nagpakita sila ng isa pang pruweba kung saan makikita sa isang larawan nila na inupload sa social media na mayroon silang katabing bata sa loob ng bus.
Photo credit to KMJS |
Ayon kay Val Porras, isang photo expert, nung una sinabi niya na nakakataas nga ng balahibo ang litrato pag una mo itong nakita, ngunit noong sinuri niya ito ay napagtantong 'edited' ang picture.
Ngunit nanindigan ang magkakaibigan, lao na si Noel, na hindi nila inedit ang litrato at hindi nila kailanman isasakripisyo ang kanilang mga propesyon sa pagpapakita ng pekeng larawan, magsinungaling at kumuha ng atensyon sa social media.
Dagdag nila, wala silang binago o ginawa sa litrato at hindi nila kailangang magpasikat kaninuman.
Totoo man o gawa-gawa lang, kayo na po bahala ang humusga.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho