Ni-raid ng pulisya ang pagawaan ng isang vitamin C syrup sa Laguna noong Biyernes, June 5.
Agad na nagkasa ng entrapment operation ang mga kapulisan sa isang pagawaan ng vitamin C syrup sa Cabuyao, Laguna nang makatanggap ang Cabuyao Police District ng impormasyon tungkol sa lihim na pagawaan.
Kasama ang mga taga FDA o Food and Drug Administration sa ginawang pagsalakay.
Noong April 8, kabilang ang Honey-C sa inilabas na advisory o public health warning ng FDA kaugnay ng mga produktong unapproved ng nasabing ahensya at may misleading claims na nakapagpapalakas ng immune system at nakapagpapababa ng risk para sa C0VID-19.
Patok umano ngayon ang bentahan online ng nasabing produkto dahil sinasabing pampalakas raw ito ng resistensya para makaiwas sa sakit lalo pa sa panahon ngayon na may pandemya. Bukod pa dito ay mura ito sapagkat naglalaro lamang ang presyo sa P100.00 hanggang P300.00 kada botelya.
Sa ulat mula sa DZBB, tumambad sa bahay ng mga suspek ang dugyot na pagawaan ng Honey-C at makikitang nagkalat sa sahig ang ingredients. Ang panghalo at drum ay makikita pa sa labas ng bahay kasama ang mga pusa, ayon sa report.
Bukas na bukas pa ang plastic drum na maaring makontamina at maging ang asukal raw na ginamit ay nakitaan pa ng ipis.
Panuorin dito: