“Hindi natin alam, sa buhay, minsan nasa baba tayo. Minsan nasa taas tayo,”
Ilan lamang ito sa mga salitang nasambit ng lalaking pinatunayan na walang imposible sa taong may pangarap.
Sikat na sikat na ngayon ang mayaman na online gamer na may-ari ng YouTube channel na ChooxTV, si Edgar Dumali na mas kilala sa tawag na Choox. Ngunit alam mo ba na dati ay halos wala syang makain at sumasahod lamang ng P30.00 kada araw noon bilang isang dishwasher?
Dahil sa kanyang kwento, nagsilbing inspirasyon si Dumali sa marami, partikular na sa mga naglalaro ng online game na Mobile Legends.
Dating dishwasher na kumikita ng P30/day noon, milyon na ang kita buwan-buwan sa online games
Na-feature na rin ang nasabing player sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan nito naibahagi ang mga hirap na kanyang pinagdaanan bago nakamit ang tagumpay.
“Palipat-lipat kami ng tinitirahan noon dahil si Papa iba-ibang trabaho ‘yung pinapasok. May panahon na kamote na lang kinakain namin. Tapos ‘yon, naglayas ako dahil gusto ko lang mag-aral. Pinag-aral ako ni Papa noon, kaso nawili ako sa online games. Pero kailangan kong kumita,” pagbabalik-tanaw ni Dumali.
Dahil sa kinailangan nyang buhayin ang sarili, namasukan sya sa isang panaderya ngunit masalimuot raw ang naging buhay nya doon.
“Namasukan din ako sa panaderya. Ang pangit doon, pinapatulog kami sa tabi ng mga baboy. Napapaluha ako kapag naaalala ko ‘yung mga pinagdaanan ko,” aniya.
Pursigidong may marating sa buhay, nagsumikap syang mabuti upang mapatunayan sa kanyang mga kapatid na tama ang tinahak nyang landas.
“Pero may gusto kasi akong patunayan sa mga kapatid ko. Nagpursigi ako kasi gusto kong patunayan na ‘yung paglalaro ko ng games, mababago ‘yung buhay ko,” paliwanag ni Dumali.
Kung dati ay halos wala syang makain, ngayon, milyon na ang kinikita nya kada buwan at kasalukuyan pang nagpapatayo ng mansyon para sa kanyang pamilya.
“Ngayon, umaabot ng 1.5 million buwan-buwan sa YouTube at pag-stream ‘yung kinikita ko! Nakapagpatayo na rin ako ng bahay para sa pamilya ko! Hindi natin alam, sa buhay, minsan nasa baba tayo. Minsan nasa taas tayo,” ani Dumali.
Source: Buzzooks