Hindi man magkaaway sa totoong buhay, kapansin-pansing nagkabanggaan naman ang mga aktres na gumanap na Darna at Valentina sa kanilang pananaw tungkol sa pagdalo sa protest rally laban sa naging pagpapasara ng ABS-CBN.
Bunga ng paghamon ni Angel Locsin kamakailan lamang sa kanyang mga kapwa artista sa Kapamilya network na hindi raw nagsasalita kaugnay ng pag-shutdown sa nasabing istasyon, sunod-sunod ang naging paglabas ng saloobin ng ilang Channel 2 celebrities na tila pagsagot nila sa naging pasaring ng Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Angel.
Kabilang na dito ang isa sa mga nakatrabaho noon ni Locsin sa teleseryeng Darna ng GMA network: si Alessandra De Rossi, na ginampanan ang papel na kontrabida bilang si Valentina o ang babaeng ahas.
Ayon sa kanyang pahayag, maraming dahilan kung bakit hindi sya nakasama sa idinaos na kilos-protesta. Isa na dito ang sukdulan nyang pagkatakot umano sa kasalukuyang pandemya, dahilan para hindi nya hamaking lumabas ng kanyang bahay.
Dagdag pa nya, masyado nang watak-watak ang mga Pilipino ngayon.
“Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. Yung totoo?” saad ng award-winning actress.
“Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. Yung totoo?” saad ng award-winning actress.
Hindi rin umano sya takot maglahad ng kanyang saloobin dahil nasa personalidad nya na talaga ang pagiging prangka.
“Ako pa ba? Kaya nga madami nagiisip maldita ako dahil pag tama ako, di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali.” paliwanag nya.
Basahin ang kanyang kumpletong pahayag:
“May covid. Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?
“Di ako asar pero di rin ako nagjojoke. Hating hati na tayong lahat dahil sa mga interest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. Yung totoo?
“Ako pa ba? Kaya nga madami nagiisip maldita ako dahil pag tama ako, di ako takot magsabi ng totoo at magmukhang mali. Pero yung covid ay wala akong xray vision para dyan. Yung totoo, takot ako dyan. Wala akong planong makausap sya ng personal. Wala akong planong matalo dyan.
“Feeling ko kung nasa pinas nanay ko ay babatukan ako nun kung lumabas ako. Iba iba tayo ng kinalakihan. Iba iba tayo ng laban. Walang mali sa umattend ng rally dahil may gusto sila Ilaban. Walang mali sa gusto palipasin muna to be sure. Isa lang kalaban ngayon at hindi ako yun
“Iba tong sakit na to. At no social media noon kung saang, madala ka lang ng emosyon mo at pinaniniwalaan mo, at may mali kang masabi para sa iba, patay ka sa lahat, kahit di naman yun ang gusto mong mensahe. Btw, going back to covid? Ilan pa mawawalan ng work o matatawag na bobo?
“Wala akong pagsisisihan if my only goal is to stay alive and do only what I can. Dahil di ko pa tapos bayaran insurance ko para may makuha pag nadeadz ako. Wala naman akong savings, ni pang ospital wala. Ang importante ngayon.. Mabuhay tayo. So twitter nalang!
“Anyway, wala na akong planong makipagdiskusyon sa ayaw naman makinig. I respect everyone who fights, I respect everyone who shuts up, for now...till may covid. And I will end it with the same statement, hindi ako takot lumaban. Pero takot ako sa nanay ko at sa covid. Peas,” ani De Rossi.
Ayon sa KAMI, ang mga ito ay ang naging sagot ni De Rossi sa isang netizen na nagtanong kung bakit hindi sya sumama sa ginanap na rally.
Maaalalang maging ang bagong aktres na gaganap bilang Darna na si Jane De Leon ay naglabas din ng kanyang saloobin kasunod ng paghamon ni Locsin.
Sambit ni Locsin sa nasabing protesta,
“Sa mga kapwa kong artistang hindi nagsasalita, may career pa ba kayo? Wala na kayong network!”
“Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram, nagsend kayo ng mga sad face, hindi n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!
“‘Wag kayong matakot. Wala na kayong pinoprotektahan na career o image,
“Naiintindihan ko, tayong mga artista, expected na dapat tahimik lang tayo. Dapat sweet lang tayo, dapat neutral para walang kalaban,
“Pero pag hindi tayo nagsalita, ibig sabihin no’n, kinampihan natin ang mali.
‘Ito ang tama para sa mga tao’
“Hindi ako mayaman. Wala akong shares sa ABS-CBN. Wala akong kontrata. Mga taong ‘to, sila ang nagbigay ng trabaho sa akin,
“May utang na loob ako sa kanila. Pero ginagawa ko ‘to dahil ito ang tama para sa mga tao,
“Hahayaan ba natin na ang laban ng mga mayayaman, ang mga mahihirap ang magdusa?” aniya.