photos courtesy of Facebook and shutterstock |
Nang dahil sa pagka-addict sa paggamit ng cellphone, isang ginang ang nagpaalala sa mga netizens tungkol sa kanilang experience kung saan ang kanilang bunsong anak na dalaga ay bigla na lamang nanginig at nanigas ang buong katawan at kalaaunan ay nawalan ng malay at inakalang mamamatay na ito.
Dahil sa ilang buwang quarantine, matagal tayong pumirmi sa ating mga tahanan at ipinagbawal ang pagpunta sa iba't ibang mga lugar upang mapigil ang pagkalat ng corona virus.
Kaya naman ang ating mga anak ay kanya-kanyang hanap ng mapaglilibangan lalo na kapag hawak na nila ang kanilang mga cellphone ay kuntento na ang mga ito sa isang buong araw.
Ani pa ng ginang, halos maghapon at magdamag daw umanong nakatutok ang kanilang bunso sa kanyang cellphone. Kanila naman itong pinagsasabihan na bawasan ang pagce-cellphone, ngunit hindi talaga maiwasan na gamitin uli nito ang kanyang gadget.
Ayon pa sa ginang, nangyari ang insidente, 4:30 ng madaling araw, habang mahimbing na natutulog ang mag-anak nang biglang sumigaw ang kanilang bunso na nasa kanyang kwarto at tinawag ang kanyang tatay at sinabing hindi daw ito makahinga.
Dali-dali namang tumakbo ang tatay sa kanyang bunso upang agad saklolohan ito. At nakita itong umiiyak at sinabing hindi daw ito makahinga. Agad namang tinawag ng tatay ang kanyang misis at sinabing hindi nga makahinga ang kanilang anak.
Agad daw nyang pinahiran ng panghaplas ang buong katawan ng dalaga hanggang sa maya-maya pa ay bigla itong nangatal. Sa sobra umanong bilis ng pangyayari, bigla na lamang nanigas ang buong katawan ng dalaga at naglock umano ang mga kamay, tuhod at maging ang panga nito.
Kaya dali-dali nilang isinugod sa ospital ang kanilang anak subalit habang sila ay nasa sasakyan, bigla na lang daw itong nawalan ng malay at hindi na daw nararamdaman ng ginang ang hininga ng kanyang anak.
Labis na takot ang naramadaman nilang mag-asawa para sa kanilang bunso. nanlamig daw ang buong katawan nito at maputla. Iyak na ng iyak ang ginang hanggang nakarating na sila sa ospital.
Naging mabilis daw ang pag-aksyon ng mga nurse at mga doktor sa kanilang anak, agad silang inasikaso sa ospital ng MV. Santiago Medical Center sa Indang, Cavite.
At ayon sa pagsusuri ng mga doktor, radiation umano mula sa cellphone ang naging sanhi ng hirap sa paghinga, pangingig at paninigas ng katawan ng kanilang anak.
Kaya payo ng ginang para sa mga magulang at lalo na sa mga kabataan, Huwag na huwag masyadong mahumaling sa pag gamit ng kanilang mga cellphone dahil totoong may masama itong epekto sa katawan ng tao.
Laking pasasalamat nilang mag-asawa at maayos na ngayon ang lagay ng kanilang pinakamamahal na bunso. "Pero god is good po ok n ang ank ko ngayon. " ani ng ginang.
Nais ng ipaalam ng ginang sa lahat ang kanilang karanasan na ito, na totoo daw pala na masama ang sobrang paggamit ng cellphone na akala nya noong una sa nababasa nya lang sa social media hanggang sa nadanasan ng nga ito ng kanyang anak. Nawa'y magsilbing babala ang kanyang karanasan para sa ibang mga magulang na may mga anak na labis nahuhumaling sa paggamit ng kanilang mga gadget.
"Share ko lng po ito sa lahat para po malaman nila n totoo po ito kc nadanasan po ng ank ko mga magulang bantayan po natin mga ank natin.' dagdag pa ng ginang
Narito ang kabuuan ng kwento ni ginang Margilyn Camañag Anacan na ibinahagi nya sa kanyang Facebook post:
Paalala lng po sa mga mahilig mag cellphone jan. Akala ko po hindi totoo sa fb ko lng nababasa ito nangyari po sa ank ko kahapon mga 4:30 ng umaga tinawag nya papa nya d dw sya makahinga.
Tapos tinawag ako ng asawa ko at sinabi sakin n d dw makahinga ank kong bunso un po hinaplasan ko ng lahat ng pwede kong ipahid sa knya hangang nangatal sya.
At sa bilis ng pangyayari nanigas buong katawan nya lock mga mga kamay tuhod panga nya dali dali namin syang dinala sa ospital at habang nasa sasakyan kmi grabe po akala ko wala n syang buhay kc d ko n nararamdaman n nahinga sya malalamig at maputla na sya iyak n ako ng iyak .
Hangang nakarating kmi sa ospital dali dali nman syang inasikaso ng mga nurse sa mv.santiago sa trece un po nalaman ko kaya sya ay ngkaganun dahil sa radiation ng celpon. Panahon po ngayon ng quarantine walng libangan mga kabataan kundi cp pero pls.
Mga kabataan wag wag masyado sa cp dahil n totoo pong masama sa katawan. Pero god is good po ok n ang ank ko ngayon. Share ko lng po ito sa lahat para po malaman nila n totoo po ito kc nadanasan po ng ank ko mga magulang bantayan po natin mga ank natin.