Dahil sa Kawalan ng Trabaho sa Maynila, Magkasintahan Napilitan Mag-Pedicab Pauwi ng Sorsogon. Umani ng Tulong sa Netizens - The Daily Sentry


Dahil sa Kawalan ng Trabaho sa Maynila, Magkasintahan Napilitan Mag-Pedicab Pauwi ng Sorsogon. Umani ng Tulong sa Netizens



Pedicab Driver Rommel Balbona | |Photo credit to the owner
Dahil sa Covid-19 at Enhanced Community Quarantine, marami sa mga mamamayang Filipino ang nawalan ng trabaho at iba't-ibang paraan ng pagkakakitaan.

Isa dito ay pobreng magkasintahan na sina Gina Cabalse at Rommel Balbona na namalagi at tumira sa Caloocan at nag-trabaho bilang pedicab driver. Ngunit dahil sa pandemya, nawalan ng hanap-buhay si Rommel na diumano ay may deprensiya din sa paglalakad at paningin kaya hirap din humanap ng ibang ika-bubuhay.


Pedicab Driver Rommel Balbona | |Photo credit to the owner
Dahil sa ipinagbawal ang pag-pasada ng pedicab sa kanilang lugar sa Caloocan ay lalong naghirap ang buhay ng maglive-in partner kaya nagdesisyon na lamang silang bumalik sa kanilang probinsya sa Sorsogon.

Subalit wala raw pamasahe ang magkasintahan papuntang Sorsogon kaya naman napilitan na lamang nilang gamitin ang kanilang pedicab at bumiyahe mula Caloocan City hanggang sa Sorsogon na diumano ay aabot ng 548 kilometro ang layo. 

Byaheng Bicol ng magkasintahang Rommel at Gina | Photo credit to the owner
Noong June 29, Lunes ng umaga ay umalis na nga daw ang dalawa sa Caloocan at sinimulan ang mahabang byahe. Hangga't makarating sila sa Muntinlupa at sinuwerteng may nakakita at kinuhanan ng litrato ang dalawa. Nakakapukaw kse ng atensyon ang nilagay nilang karatula sa likod ng kanilang pedicab na nagsasabing "Manila Caloocan to Bicol Sorsogon. Private by PWD"


Sobrang nahabag daw ang netizen na nakakita sa byahe ng magkasintahan kaya pinost niya ito sa social media, hanggang sa nagviral ito at marami ang nakabasa, dahilan upang mag-paabot din ng tulong ang ibang tao sa mga lugar na nadaanan nila.

Mga tumulong sa magkasintahan, Tau Gamma Phi fraternity | Photo credit to the owner

Mga tumulong sa magkasintahan | Photo credit to the owner

At noon ngang July 1, Miyerkules ay nakarating na sina Rommel at Gina sa Sto. Tomas, Batangas at doon ay may isang grupo na may magagandang-loob na motorcycle riders ang tumulong sa kanila kung saan sila binigyan ng makakain at pagkatapos ay hinila ng motorsiklo ang kanilang pedicab.
Nang makarating sila sa San Pablo Laguna ay may isang grupo naman ng isang kilalang fraternity na Tau Gamma Phi ang diumano ay nag-volunteer na ihatid ang mag-partner gamit ang isang jeepney-type van at doon ay isinakay na din ang kanilang pedicab.

Photo credit to the owner
Sinabing may mga umalalay din na motorcycle riders sa van hanggang makarating sila sa Sorsogon, Bicol kahapon ng Huwebes ng madaling araw.

Ani Rommel plano daw nila na magtinda na lamang ng isda at gulay gamit ang kanila pedicab.

Labis din ang kanilang pinaabot na pasasalamat sa lahat ng taong tumulong sa kanila upang makauwi at makapagsimula ng bagong buhay sa kanilang sariling probinsya.



Source: GMA News