Dahil madalas mataas ang brightness ng cellphone, babae nagkaroon ng 500 butas sa Cornea - The Daily Sentry


Dahil madalas mataas ang brightness ng cellphone, babae nagkaroon ng 500 butas sa Cornea



Larawan mula sa asiaone
Ang ating mga mata ay isa sa pinaka-importanteng bahagi sa ating katawan dahil ito ang nagsisilbing daan para makita o masilayan natin ang ang ating nasa paligid kung kaya naman isa ito sa dapat natin ingatan.

Dahil sa nauusong mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, computer o iba pang gadget na maaaring makaapekto sa ating paningin dahil sa taglay nitong radiation ay mayroon mga pagkakataong naaabuso ang ating mga mata ng hindi natin namamalayan.

Ang sobrang liwanag na nanggagaling sa mga gadgets na ating kinagigiliwan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng ating mga mata kung kaya dapat maging maingat sa paggamit nito.

Katulad na lamang ng isang babaeng 25-taong-gulang na si Chen kung saan ay muntik na itong mawalan ng paningin dahil sa sobrang paggamit ng cellphone.
Larawan mula sa asiaone
Pagbabahagi ni Chen, madalas niyang gamitin ang kanyang telepono habang madilim ang kanyang kwarto kung kaya naman hindi niya maiwasang lakasan ang liwanag ng kanyang cellphone.

Ayon pa kay Chen, kahit bago matulog o nagpapahinga siya pagkatapos ng kanyang trabaho bilang isang secretary ay ginagamit pa rin niya ang kanyang telepono habang nagpapalipas ng oras hanggang sa dalawin siya ng antok.

Madalas ito ang ginagawa ni Chen kung kaya naman isang araw ay napansin niya ang pagkairita sa kanyang mata at namumula na rin ito dahilan ng pagaalala nito.

Maliban sa pamumula ng kanyang mata ay nakakaramdam na rin siya ng kirot kung kaya naman agad siyang nagpatingin sa eksperto upang malaman ang kundisyon ng kanyang mga mata.
Larawan mula sa asiaone
Ayon sa tumingin na doctor, ang blood vessel sa kanyang kaliwang mata ay halos mapuno na ng dugo na naging sanhi para lumabo sa 0.6 at ang sa kanan naman ng kaniyang mata ay mayroon naking maliliit na butas na nasa 500 na dahilan din ng paglabo nito na umabot na sa 0.3.

Paliwanag ng doctor, ang nangyaring ito sa mga mata ni Chen ay sanhi ng sobrang paggamit ng kanyang telepono na mayroon mataas ng screen brightness.

Dahil dito ay nagsisi si Chen sa pagaabuso sa kanyang mga mata at nagbigay siya ng payo sa mga netizen na ang paggamit ng cellphone ay kailangan huwag masyadong maliwanag at huwag itong gamitin sa madilim na lugar.

Payo din ng doctor na iwasang gumamit ng telepono na mahigit sa dalawang oras habang naka-todo ang screen brightness nito dahil posibleng makaapekto ito sa kalusugan ng mga mata.

“Using the phone with such brightness for over two hours means the eyes will have the same effect as being baked in a microwave,” ayon sa doctor.

****

Source: asiaone.com