Customer nag-iwan ng P50,000 na tip sa restaurant bilang pasasalamat sa muling pagbubukas sa gitna ng pandemya - The Daily Sentry


Customer nag-iwan ng P50,000 na tip sa restaurant bilang pasasalamat sa muling pagbubukas sa gitna ng pandemya



Photos courtesy of CNN



Nangangamba ang mga staff ng isang restaurant sa New Jersey, USA dahil namemeligro na ang kanilang pinapasukang restaurant at maaaring mawalan na sila ng hanapbuhay dahil sa corona virus pandemic.

Ngunit isang napakalaking biyaya ang kanilang natanggap dahil isang customer nila ang nag-iwan ng isang napakalaking tip para sa kanilang lahat. *


Laking gulat ng mga staff na isang restaurant na 'The Starving Artist' sa New Jersey, USA nang mag-iwan ang isang customer ng napakalaking halaga bilang tip at may kasama pa itong inspiring words.

Ayon sa salaysay ng may-ari ng The Starving Artist na si Arnold Teixeira sa CNN, regular na customer mula pa noong 2011 ang nasabing parokyano, na hindi na umano nito babanggitin pa ang pangalan.  

Kwento ni Teixeira, ang nasabing customer kasama ang kanyang pamilya ay tahimik na kumain sa kanilang restaurant at masayang umalis ang mga ito pagkatapos.

Ngunit sobrang nagulat ang kanyang staff na nagserve sa pamilya nang makita nya ang iniwang tip ng kanilang suki.

Tumataginting na $1,000 o nasa halagang ₱50,000 ang iniwang tip ng customer kalakip ang isang mensahe bilang pasasalamat sa mga staff ng restaurant sa patuloy na pagtatrabaho ng mga ito sa gitna ng pandemya.*

Photo courtesy of CNN



“Thank you so much for working through this tough time,” Mensahe ng di pinangalanang customer. “My family looks forward to our mornings with you every summer.” anito.

"We are grateful for your delicious food, warm smiles, and great atmosphere... Please know we appreciate you all very much. It wouldn't be a good summer without the Starving Artist," dagdag pa nito.

Napaiyak sa tuwa ang nasabing waitress dahil sa sobrang kagalakan at maging si Arnold ay napaiyak na din, aniya, ‘sobrang naging emosyonal ang kanilang naramdaman nung pagkakataong yon, dahil sa hirap na kanilang dinadanas lalo na ngayong may krisis sa pandemya ang buong mundo. Minsan nga ay naiisip na nitong tuluyan nang isara ang kanilang restaurant.

"When the waiter serving them saw the tip, she just started crying. Then another one of my staff members saw it and started crying, too. And then I see it, and I couldn't help but cry. It was just extremely emotional because it's been a really difficult time for us." kwento ni Teixeira.*


Photo courtesy of CNN


Regular na pumupunta tuwing umaga ang nasabing customer kasama ang kanyang kaanak at umoorder ang mga ito ng breakfast. Umabot lamang sa halos $50 ang kanilang inorder noong araw na iyon ngunit nagbigay ito ng labis-labis na tip higit pa sa kanilang kinain. 


Saktong 21st anniversary ng kanilang restaurant noong araw na iyon at binibilang nila itong isang napakalaking regalo para sa kanilang lahat dahil sa maganda serbisyo ng kanyang mga staff at sa napakasarap na pagkain.

Mula nang muling payagang magbukas ang mga restaurants sa Amerika, ni hindi manlang daw nila naabot sa kalahati ng normal nilang kinikita ang pumapasok na benta sa kanila ngayong panahon ng pandemya.

Ngunit dahil sa kabutihan ng kanilang cusotmer, nagkaroon sila ng pag-asang ipagpatuloy ang magandang serbisyo  lalo na at naa-appreciate naman pala ito ng kanilang mga customers.*

Mr. Arnold Teixeira / screencap photo from NBC New York


"Things just kept getting worse. It got to the point where I was preparing for the possibility that we might not be able to reopen again. And now we are not even making 50% of what we usually bring in the middle of the summer season," ani Arnold Teixeira sa media.

"But this tip restored our hope in humanity. It made us feel so good about what we are doing. We go through a lot of steps to protect our customers, and it gets exhausting after a while, but now we know our efforts have actually been noticed." Masayang kwento ni Texeira sa kanyang panayam sa CNN.

Ipinamahagi ni Arnold ang tip sa kaniyang pitong staff, ayon na rin sa bilin ng customer mula sa note na isinulat nito sa kanyang resibo.

"They earned it. They have been working like dogs for me. They’ve been doing anything and everything to help me and I’ve been extremely touched," pahayag ni Teixeira.

Labis na pasasalamat ang kanilang nais ipahatid sa nasabing parokyano, at kanila pa ngang ibinahagi sa kanilang Facebook page ang picture ng bill at ang mensahe na sinulat nito.


“This act of generosity and kindness goes beyond words!,” pahayag ni Teixeira. “The note that accompanied the check made us all cry! Thank you from the depths of our hearts!” ani Arnold Teixeira, may-are ng ‘The Starving Restaurant’.

Staff at The Starving Artist / screencap photo from NBC New York