Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Vlogger at Tiktok Influencer na si Buknoy Glamurrr matapos magviraI ang isa sa kanyang mga video dahil sa kanyang naging pahayag patungkol sa pagiging tricycle driver na hindi ikinatuwa ng maraming netizens.
“Ang gusto ko talagang sabihin sa inyo is 'wag na 'wag kayong sumukong mangarap. 'Wag na 'wag kayong sumuko na tuparin 'yung mga pangarap ninyo kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang wala kayong mararating, tulad nito," sambit ni Buknoy sa kanyang video habang tinutukoy ang papadaang driver ng tricycle.
Dahil dito, inulan siya ng batikos at samu't saring reaksyon sa social media na naging dahilan ng kaunting pagkabawas ng kanyang mga subscribers sa Youtube.
Isa sa mga nagpahayag ng kanyang saloobin at pagkadismaya patungkol dito ay ang isa ding Youtuber na si James Boston na mas kilala bilang Ako si Tserman.
"Sorry mga kabarangay ha, pero before hindi ako naniniwala na may taong bobo. Naniniwala ako na may taong bobo pero nagbobobo-bobohan at nagtatanga-tangahan, madami. Pero before 'yun, dati naniniwala ako na walang taong bobo. Pero nung nakilala ko 'yung mga tao na kagaya nito, ni Buknoy, doon ko narealize na, ah, meron pala. Bobong tao does exist. Bobong tao really exist," pahayag ni Tserman sa kanyang video na umabot ng 3-minuto.
"Alam mo kung bakit ka naging bobo? Kasi, alam mo 'yung respeto? Hindi yun kailangan graduate ka. Hindi 'yun kailangan ng Bachelor's degree. Wala kang kailangang ipasa na exam. Hindi mo kailangan ng NC-II o hindi mo kailangan mag-seminar. Hindi mo kailangan ng mathematical solution. Kahit kinder alam yung salitang respeto. Pero ikaw, hindi mo alam. Hindi ka marunong rumespeto. Bobo ka na, bastos ka pa," dagdag pa niya.
"Bago ka magbigay ng payo, payuhan mo muna ang sarili mo, mas kailangan mo yan. Ano bang feeling mo nyan? Motivational speaker ka na? Nakaka-motivate ba yan? At anong motivation mo para magbigay ka ng motivation? 'Yang basura mong content? At anong karapatan mo? Dahil may 200,000 subscribers ka, feeling mo entitled ka na?"
Photo by Ako si Tserman |
"Yan ang hirap sa ibang malalaking Youtuber. Nagkaroon lang ng 100,000 subscribers, 1 million subscribers, feeling nila entitled na sila. Porket they have 100,000 subscribers o 1 million subscribers, they can be doctor, they can be political analyst. They can be motivational speaker and everything. Hello! Wake up! May mga taong nagpakadalubhasa sa ganyang mga larangan. 'Yun talagang madaming alam. At hindi porket Youtuber ka na may 100,000 o million subscribers eh lisensyado ka na."
"Please guys, kung gusto nyo maging influencer, try to be a good one," mahigpit na paalala ni Tserman.
Narito ang videos:
Source: Facebook | Ako si Tserman