Bayanihan sa gitna ng krisis, Magtataho na nawalan ng kita nitong pandemya, sinalba ng mga suki! - The Daily Sentry


Bayanihan sa gitna ng krisis, Magtataho na nawalan ng kita nitong pandemya, sinalba ng mga suki!





Screencap photos from GMA Public Affairs

“Dahil sa ECQ po, Nawala po yung ipon namin, pampagawa po dapat sa bahay. Nalungkot po ako na nawala po iypng ipon namin. Kasi alkansiya ko po iyon, pinaglaanan ko po talaga iyon.” Kwento ni Kuya Bon, isang magtataho sa UP Diliman.

“Pero sa ngayon, ito nandito tayo ngayon sa sitwasyon na krisis, doon ko Nakita na ang kabutihan ng asawa ko ay namunga. Kumabaga sa buto ng mustasa siya nagsimula.” naluluhang pahayag ng misis ni kuya Bon.*


“Kung gaano kaliit ng buto ng mustasa, biglang lumago iyon at namunga siya nang napakarami,” Dagdag pa nito.

Sa halos dalawang dekada nang pagtitinda ng taho ni Bon Gaufo sa University of the Philippines, sa College of Human Kinetics o CHK si kuya Bon madalas nakapwesto. Kung saan kumikita daw siya ng P1,000 – P1,500 araw-araw bago ang pandemya.

Ngunit nang magdeklara ng Enhanced Community Quarantine o ECQ sa buong Metro Manila, naging napakahirap para kay Kuya Bon dahil tatlong buwan siyang walang kinita gaya rin ng ibang mga vendors sa paligid ng UP campus.

Ani kuya Bon, “Mas maganda pa po noon, kasi noon mabilis lang po kumita. Ngayon po, mahirap po. Parang lahat naghihirap na.”

“Napakalaking nawala po, Nawala na ang mga suki ko, mga nasa probinsya na.” Dagdag pa nito.
Nakapag-ipon pa si kuya Bon noon ng halagang P15,000.00 para sana maipagawa ang bahay nila. Ngunit dahil sa krisis dahil sa coronavirus, nagamit nila ng kanyang pamilya ang kaunting pera na naitabi.

“Dati po, nakaka-dalawang balik ako, sa umaga at hapon.  Dalawang balik ako magtinda. Maganda po ang kita noon.” Kwento ni kuya Bon.

‘Noong ECQ po, nasa bahay lag po kami. Tatlong buwan po kaming naka-stand by sa bahay. Para kaming preso nakakulong lang sa bahay.” Anito.*

“Dahil sa ECQ po, Nawala po iyong ipon naming na pampagawa po dapat sa bahay. Medyo nalungkot po talaga ako. Pinambili naming ng bigas, ulam.” dagdag pa nito.


Isa lang si kuya Bon sa milyon nating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Bagaman may ayuda man ang ating gobyerno, ngunit ito sapat para sa bawat kumakalam na sikmura ng bawat Pilipino dulot ng pandemya.

Ngunit alam naman nating lahat na tayong mga Pilipino ay sobrang madiskarte at magaling humanap ng paraan, ika nga ay, napaka-resilient naitng mga Pinoy sa gitna ng bawat unos o krisis na dumadating sa ating buhay.

Hindi naging hadlang ito para magpamalas ng diwa ng bayanihan ang mga suki ni kuya Bon at tinulungan ang kanilang suking magtataho.

Nakakataba ng puso ang ginawa ng mga suki ni kuya Bon. Nagtulong-tulong ang mga estudyante, atleta, at alumni,  sa pamamagitan ng isang donation drive hanggan ang mga ito ay makalikom ng halagang P102,951 ang UP Student Council. Na siyang pinambili ng kaunting mga groceries at bigas na kanilang ipinamahagi sa mga pamilya ng empleyado at maging ang mga vendors sa loob ng UP campus ay nabiyayaan din kabilang na nga si kuya Bon.

“Mayroon po sa akin mga nagpapadala, mga suki ko po, mga varsity, student council ng CHK, mga dating estudyante po, mga empleyado po. Grocery, bigas, mga de lata.” ayon kay Kuya Bon. *

Para estudyante ng UP, “si Kuya Bon ay naging parte na ng buhay ng lahat ng mga estudyante ng UP. Kahit hindi sila CHK students, kahit sa ibang colleges sila, kahit may PE class lang sila, he gives joy po to everyone.” Pahayag ni Ms. Angela Villamil, Chairperson, CHK Council.


Mahigit 50 families ng CHK ang nabigyan ng munting nakayanang ayuda kanilang ang mga nagtitinda ng lumpia, karyoka, kwek-kwek at iba pa.

Dagdag pa ni Angela, ang kanilang bayanihan drive ay hindi lamang limitado sa mga kakilala nilang vendors bagkus ito ay kanilang pinamimigay kahit sinoman na nangangailan.

“Alam po naming na lahat tayo ay nahihirapan during this time, and madami po sa kanila, nag-reach out po talaga sa amin, na nanghihingi po ng tulong, kahit konting ayuda lang po.”

“Kahit na ang tingin ninyo ay maliit lang iyong tulong na magagawa ninyo, it can go a really long way po.” Ani ng president ng CHK Student council.

“Magsimula lang po sa maliliit na bagay, it can grow into sa mas malalaking mga matutulungan po.” Dagdag pa nito.

Malaking tulong na daw ito para sa pamilya ni kuya Bon. “Hindi ko akalain iyong itinanim ng asawa ko na sobrang liit, tinaniman nya ng kabutihan." *

"Pero hindi ko inaasahan iyon at hindi ko naman sila kakilala. Mayroon talagang mga estudyante, dating empleyado, mayroon pang taga ibang bansa na willing silang tumulong. Magpapadala sila ng cash.” Mangiyak-ngiyak na kwento ng misis ni kuya Bon.

Dagdag pa nito, tumulong din ang UP Men’s Judo Team at Fearless Judo Club, at nabigyan din ng pedicab si kuya Bon.

Kaya naman sa kasalukuyan ay balik pagtitinda na si kuya Bon. Ngunit sa ngayon, half day lang nakakapagtinda ito at depende pa raw sa dami ng customer. Kumikita ng P500-P800 ang sikat na magtataho. Medyo makakaluwag na daw sila dahil sa tuloy-tuloy na ang kanilang pagtitinda.


Labis na pagpapasalamat ang mensahe kuya Bon sa lahat ng tumulong sa kanila. Naubos man ang kanilang ipon, kahit papaano ay nakakaraos pa din kahit sa gitna ng krisis.


 
Screencap photos from GMA Public Affairs