Larawan mula sa The Filipino Times |
Halos lahat ng tao ay nais ang magandang buhay. Marami ang nagsisikap para yumaman, kung kaya naman kaliwa't kanan ang naiisip na negosyo para kumita ng salapi at ang iba pa nga ay nag-iibang bansa upang doon magtrabaho at kumita ng mas malaking pera.
Ngunit ano nga ba ang sikreto upang maabot ang mga minimithing pangarap at maging matagumpay sa buhay?
Tunghayan ang nakaka-inspire na kwento ng buhay ng isang dating batang palaboy na isa na ngayong matagumpay na Scientist sa bansang Amerika.
Si Fernando ay nagmula sa Project 8, Quezon City. Ayon sa kanyang kwento ng buhay ay anim na taong gulang pa lamang siya ay inabondona na sila ng kanilang mga magulang sa hindi malinaw na rason.
Larawan mula sa The Filipino Times |
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malinaw para kay Fernando at kanyang mga kapatid ang dahilan kung bakit sila iniwan sa kalye ng kanilang ama at ina.
Naging palaboy sa kalye ang magkapatid dahilan ng dalhin sila sa bahay ampunan ngunit ayon kay Fernando ay hindi naging madali ang kanilang buhay roon dahil madalas ay nakakaranas sila ng hindi maganda.
Dahil hindi na maganda ang nararanasan ni Fernando ay naisipan nitong umalis mula sa bahay ampunan at mas pinili nitong manirahan sa kalye at mamulot ng basura upang ibenta at maitawid ang pang araw-araw na makakain.
Hindi nagtagal ay bumalik si Fernando sa bahay ampunan dahil nalaman nitong mayroong pamilya na kukupkop ang kanyang kapatid at dadalhin sa bansang Amerika.
“So, they were gonna be adopted, just the two of them, and then one kid ran away from the orphanage looked for me, he said: Your brothers [are] gonna go and get adopted, so better go back, so I went back… I’m not stupd, right? I came back,” ayon kay Fernando.
Larawan mula sa The Filipino Times |
Isinama si Fernando sa mga kukupkupin na dadalhin sa Amerika ngunit hindi rin naging madali ang kanilang buhay roon at muli silang ibinalik sa bahay ampunan.
Hindi nagtagal ay mayroong bagong pamilya ang nais silang kupkupin, ang mga Kuehnels na nagmula rin sa Amerika.
Itinuring ng pamilyang Kuehnels ai Fernando at kanyang kapatid na parang kanilang totoong anak at pinag-aral sila.
Nagpursigi si Fernando para makatapos sa pagaaral at nakapagtapos ito bilang isang BS Nursing at naging Summa Cum Laude pa sa business administration in healthcare.
Sa ngayon ay isa na siyang clinical scientist sa Novartis at founder na rin siya ngayon ng Kabataan Charity na kilala sa tawag na 'K-Charity' na tumutulong sa ibang batang ulila na at palaboy sa lansangan.
Larawan mula sa The Filipino Times |
Kung noon ay kariton lamang ang kanyang itinutulak, ngayon ay mayroon na siyang sariling Porsche Carrera na minamaneho at may sariling bahay na rin sa Dania Beach, Florida.
Larawan mula sa The Filipino Times |
Ayon kay Fernando, ang tagumpay sa buhay ay makakamit sa pagiging masipag at pagpupursigi para abutin ang pangarap.
“You have to determine what success is to you. It doesn’t have to be millions of dollars. I tell my kids, there’s no problems that can’t be solved. You just won’t like the solution, but the problem can be solved. The takeaway is, you do have to work hard.” ayon kay Fernando.
****