Batang Breadwinner, 'Double Job' upang Maipagamot at Buhayin ang mga Magulang at Pamilya - The Daily Sentry


Batang Breadwinner, 'Double Job' upang Maipagamot at Buhayin ang mga Magulang at Pamilya



Ang batang breadwinner na si Manny | Photo credit to GMA Public Affairs

Sinasabing ang pinaka-masayang yugto ng buhay ng isang tao ay ang pagiging bata dahil wala pa itong kahit anong kaakibat na problema at responsibilidad. Ang tanging kailangan lang nilang gawin ay mag-aral at maglaro.

Nasa mga bata din ang maraming karapatan na kailangan ibigay ng kanilang mga magulang. Ang karapatan makapag-aral, karapatan sa masayang kapaligiran, maayos na tirahan, sapat na pagkain at higit sa lahat ay karapatan maging masaya at makapaglaro kung kailan man nila naisin.


Ngunit sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ng mga bata ay maswerteng nararanasan ang lahat ng ito.

Tulad na lamang ng isang batang si Manny na taga North Caloocan, na sa murang edad ay kinailangan ng maghanap-buhay para buhayin ang kanyang pamilya at maipagamot ang kanyang mga magulang na parehong may sakit.

Ang batang breadwinner na si Manny | Photo credit to GMA Public Affairs


Ang batang breadwinner na si Manny | Photo credit to GMA Public Affairs

Sinasabing baldado ang ama at may Tuberculosis naman ang ina ni Manny, kaya naman siya na lamang ang inaasahan ng mga ito upang patuloy na bumuhay sa kanila.


Ang batang breadwinner na si Manny | Photo credit to GMA Public Affairs

Sa kanyang pagkabata ay kinailangan na munang kalimutan ni Manny ang pag-aaral at paglalaro upang maging bread winner at magdoble-kayod para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Kaya naman sa buong maghapon ay kailangan niya maghanap ng dobleng pagkakakitaan o 'double job'. Sa umaga ay nagtitinda siya ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay at matiyagang binabaybay ang mga barangay sa kanilang lugar. 

Si Manny at ang kanyang mga magulang | Photo credit to GMA Public Affairs

Pagdating naman ng hapon hanggang gabi ay nag-iikot muli si Manny para naman magtinda at maglako ng balut. Ito lang daw kasi ang kaniyang nakikitang paraan para buhayin ang kanyang pamilya, at sa paraang ito ay mapasaya ang kanyang mga magulang.

"Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako.", ani Manny.



Source: GMA Public Affairs