Bata na halos kasing taas lang ng bote ng soft drinks, binigyan ng ayuda ng mga sundalo - The Daily Sentry


Bata na halos kasing taas lang ng bote ng soft drinks, binigyan ng ayuda ng mga sundalo




Screencap photos from Kapuso mo Jessica Soho



Gaya ng karamihang bata, pangarap din ng walong taong gulang na si Derk Villalon mula Dumanjug, Cebu ang maging isang pulis o sundalo paglaki nito.

Ngunit sa di inaasahang kapalaran, mukhang hindi na makakamit ng batang ito ang kanyang pangarap dahil sa kanyang kakaibang kondisyon. Ipinanganak kasi ito na may maliliit na mga binti at maliliit ang kanyang mga paa. *

Bagaman nakakalakad, hirap itong makatayo ng deretso dahil sa baluktot ang kanyang mga buto sa likuran.

Sa edad na walong taon, halos tatlumpong pulgada lang ang taas ni Derk, na naging balakid sa kanya sa pakikipaghalubilo sa mga kalaro. Nagiging sentro daw sya ng pangungutya mula sa ibang mga bata ayon sa pahayag ng ina ni Derk.

"Nung mag-isang taon na sya, doon namin napansin na hindin pa talaga sya makalakad ng sya lang talaga mag-isa." pahayag ng ina ni Derk.

Ayon pa sa Ina ni Derk, mabilis din daw mapagod ang bata at madalas hingalin.

"Minsan nagtatanong ako kung malaki ba ang kasalanan ko sa Dios? Bakit ganito ang binigay sa akin ng Dios?" ani pa nito.

Labis na ipinagdadamdam ni Derk ang mga masasakit na salita ng mga kalaro at kung minsan pa nga ay sinasaktan pa sya ng mga kalarong bata. *

Screencap photos from Kapuso mo Jessica Soho


Umiiyak na lamang si Derk at nagtatanong sa ina kung ano ang nagyari sa kanya. Walang ibang maisagot ang ina ni Derk kundi ang tanggapin na lang ang kanyang kalagayan dahil yan ang ipinagkaloob sa kanya ng Dios.

Sagot naman ni Derk sa kanya, "Ma pwede sabiin natin kay Papa God na baguhin ang kanyang mga kamay, baguhin ang mga buto nya  dahil ayaw nya raw na ganyan sya."

Nais sana ni Derk na maging katulad nya ang kanyang mga kapatid na normal ang pangangatawan para makapaglaro sya at makatulong din sa mga gawaing bahay.

Walang magawa ang ina ni Derk kundi ang umiyak na lamang dahil sa bigat ng kalooban. Masakit ang nararamdaman nya bilang isang ina dahil sa kalagayan ng anak at sa murang edad ay yun ang gustong hingin sa Dios.

Sa kabila nito, malapit si Derk sa kanyang nakababatang kapatid na si Yang-yang na syang nagtatanggol sa mga nambubully sa kanya.

Limang taon na si Yang-yang pero kung titingnan ay parang siya ang ate ng kanyang kuya Derk. Bukod sa pagtatanggol sa kanyang kuya, katulong din sya nito sa ibang mga gawaing bahay gaya ng pagliligpit ng higaan, pinagkainan, hanggang sa pagbubuhat ng mga kahoy na panggatong. *

Nais naman daw maging doktor ni Yang-yang paglaki, para daw magamot nya ang kanyang kuya Derk dahil mahal na mahal nya raw ito.

Pahayag naman ng ama ni Derk, mula ng magdeklara ng lockdown, naging mahirap ang naging buhay ng mag-anak at tanging pagbebenta ng panggatong kahoy ang kanilang pinagkukunan ng pagkakakitaan.

Kanila nang pinakonsulta sa Doktor ang bata at ayon sa mga doktor, mayroon daw itong bone abnormality at pinayuhan silang dalhin si Derk sa espesyalista. 

At dahil sa kapos sa pera ang mga magulang ni Derk, malayo din ang kinaroroonan ng mga espesyalistang doktor kaya hindi nila mapa-check up si Derk.

Wala naman sariling health center ang kanilang barangay at karamihan pa ng espesyalista ay nakatalaga sa mga COVID-19 hospitals lkaya sa rural health hospital muna pina-check up si Derk sa tulong ng Kapuso mo Jessica Soho. *

Screencap photos from Kapuso mo Jessica Soho


Base sa pagsusuri ng rural health doktor na si Dr. Josefina Malana, mayroon daw Congenital Anomaly si Derk at kung dinala sana noon pa ang bata ay maaari pa sanang maagapan ito. 

Morquio Syndrome naman ang sinasabing kondisyuon ng espesyalistang doktor. Isang congenital o genetic abnormalities ang naging sakit ni Derk.

Nangangailangan ng mga laboratory tests ang bata gaya ng MRI, x-rays, CT scan para sa kanynag leeg. At dahil nahihirapan din huminga si Derk kaya kailangan din syang mapatingnan sa Pulmonologist.

Bagaman kapos man sa ang mga magulang ni Derk, di naman nabigo sa paghahatid ng tulong ang KMJS at ilang mga magigiting na kawal ng AFP Command Center Civil Relation Service, at kanilang pinalakas ang loon ng bata.

Binigyan din ng munting regalo mula sa mga miyembro ng Civil Relations Group at ng KMJS gaya ng mga gamit sa eskwela at kutson para pangsuporta sa likod ni Derk tuwing ito ay hihiga, mayroon ding kasamang soldier's hat bilang souvenir ni Derk mula sa mga sundalo.

Labis-labis ang pasasalamt ni Derk at maging ng kanyang ina na umiiyak sa kagalakang nadama.

Screencap photos from Kapuso mo Jessica Soho