Larawan mula may Ernie Piamonte balili |
Viral sa social media ang larawan ng bagong kasal mula sa Tagum City Davao del Norte kung saan ay mapapa-sana all ka na lamang sa laki ng halagang pera na kanilang nalikom mula sa kanilang 'prosperity dance'.
Ang mga larawan ay ibinahagi ng kanilang wedding videographer na si Ernie Piamonte na nagpapakita ng kumpol-kumpol na perang nakasabit sa parehong kasuotan ng bagong kasal habang sumasayaw ang mga ito.
Makikita rin ang mga perang nakasabit sa kasuotan ng bride at groom na inaayos pa ang tig-iisang libo at limang daan na tila hugis ng pamaypay.
Maraming netizen ang nalula sa laki ng pera na kanilang nalikom dahil umabot lang naman ito sa tumataginting Php 629,000 mula sa kanilang mga kamag-anak at bisita sa naganap nilang kasal.
Larawan mula may Ernie Piamonte balili |
Maging si Ernie napa-wow na lang din sa laki ng pera na kanilang nalikom at biro pa nga ng ibang nakakita sa naturang post ay bawing-bawi na umano at tila sobra pa nga ang kanilang nalikom kumpara sa nagastos nila sa kanilang kasal.
Dahil sa laki ng perang nalikom ng bagong kasal na ito ay hindi maiwasang mainggit ang karamihan sa mga netizen na ayon pa sa iba ay kung ganito lang umano ang kanilang malilikom sa kanilang prosperity dance ay magpapakasal na lang din sila.
Namangha din ang ilang netizen sa mga naging ninong, ninang at sa mga bisita ng mag-partner ito dahil dito mga galante nga naman sila at bihira lamang ang ganito.
Larawan mula may Ernie Piamonte balili |
Ayon umano sa post, ang pagsabit ng ganitong kalaking pera ay tradisyon na umano ng kanilang pamilya dahil naniniwala umano sila na dapat ay maginhawa ang umpisa ng kanilang buhay mag-asawa upang maging mas matibay pa lalo ang kanilang pag-iibigan at nasa dalawang ikinasal na lamang kung paano nila palalaguin ang pera.
Ang 'properity dance' ay isang kinagisnan na ng mga Pilipino para sa bagong kasal. Ito ay pinapasayaw ang bagong kasal habang sinasabitan ang kanilang kasuotan ng pera upang simbolo ng kaginhawaan at pagsisimula ng bagong buhay ng mag-asawa.
Larawan mula may Ernie Piamonte balili |
Larawan mula may Ernie Piamonte balili |
****
Source: Ernie Piamonte Balili