Matapos ang matagal na panahong mahigpit na ipinagbawal ng pamahalaan ang pag-angkas ng mga motorista bilang pag-iwas sa hawahan ng C0VID-19, sa wakas ay papayagan na ito ng gobyerno. Ngunit limitado lang ito sa mag-asawa o mag-partner.
Ito ang inanunsyo ni DILG Secretary Eduardo Año sa panayam sa kanya ng Teleradyo.
Aniya, “Simula bukas, papayagan na natin 'yung backriding para sa mga couple at 'yung prototype model na isinubmit ni Gov. Art Yap ay approved na ‘yan ng NTF (National Task Force),”
“Living in one household whether they are married, common-law husband and wife, or boyfriend and girlfriend but they're living in one household.” pagpapatuloy ng kalihim.
Ayon sa kanya, kasunod ng desisyong ito ay ang kondisyon na siguraduhing dapat ay may protective shield umano sa pagitan ng rider at ng pasahero.
“Meron naman tayong TWG (Technical Working Group) na sumusuri d'yan at kaagad-agad namang kung ito naman ay safe para sa travel at talagang may barrier in between the rider and the passenger para hindi magkaraoon ng hawaan ng COVID ay ia-approve din naman kaagad 'yan,” dagdag pa ni Año.
Saad pa nya, ang protective shield ay dapat lagpas ulo ng dalawang magka-angkas na couple at kailangan pa din umano nilang magsuot ng face mask at helmet.
Paliwanag nya, “Maganda ito sapagkat talagang protektado 'yung passenger pero s'yempre kailangan dito ang pag-iingat sa pagda-drive. Dapat susunod talaga tayo sa speed limit at saka kakaibang panahon ito, nabago natin configuration ng motorsiklo dapat dobleng pag-iingat sa pagda-drive,” he said.
Source: ABS-CBN