Screencap mula sa Raffy Tulfo in Action |
Talagang hindi na nakapag pigil pa ang dalawang babae na ireklamo ang ama ng kanilang mga anak dahil sa hindi nito pag bibigay ng sustento.
Buong tapang na dumulog kay idol Raffy Tulfo si Noemi Jean Casero ang dating kinakasama at ama ng kanyang dalawang anak na si Michael Dela Cruz.
Ayon kay Casero hindi umano natutupad ang naging usapan nila ni Michael na 700 kada linggo para sa anak na sustento.
Nang kausapin naman ni idol Raffy ang legal na asawa ni Dela Cruz, sinabi nito na bago pa man sila ikasal, may reklamo na umano ang mga nabuntis ng kanyang mister.
Umabot pa umano sila sa baranggay at korte ngunit ibinasura ng fiscal ang reklamo ni Casero dahil sa kakulangan ng tamang dokumento. Hindi umano din ito tumupad sa usapan na ipapakita ang mga bata kay Dela Cruz.
Ito ay itinanggi naman ng ginang at sinabing bigla nalang hindi nag sustento si Dela Cruz matapos ang dalawang linggo.
Nakiusap si idol Raffy sa mag asawang Dela Cruz na ipagpatuloy nalang ang suporta sa mga bata sa kundisyon na ipapakita ni Casero ang mga anak nito.
Nangako pa si Tulfo na kanyang tutulungan si Casero para ituloy ang kaso at tiyak niyang mananalo ito kung kumpleto ang mga dokumento at may magaling na abogado.
Kasamang dumulog ni Casero si Pauline Miranda, isa rin sa mga babae na naanakan ni Dela Cruz. Ito naman ay nakakatanggap umano ng isang libo para sa anak nito kay Dela Cruz.
Pero ayon naman kay Miranda, kung hindi pa tatawagan ang lalaki ay hindi pa ito mag aabot ng pera. *
Pero ayaw naman mag patalo ng legal na asawang si Cristina at sinabi pa kay idol na dapat umanong suriin muna nitong mabuti ang reklamo ni Casero bago ito tulungan.
Samantala, narito naman ang mga samut-saring reaksyon ng mga netizens sa usaping ito ng pabling na mister.
"Hihi! Malakas yata appeal ni kuya sa chicks pero no offense meant ang pangit nya mukhang kuhol Bakit kayo nagpabuntis kasi eh"
"Hehehe...mahirap talaga kung gwapo kasi daming babaeng mag kakagusto, aba'y pag uusapan nalang ninyo yan ng maayos sa isang malamig na lugar para wala ng mag reklamo...paanak pa more..."
"While watching of course I’m reading those comments below na rin - Daming netizens sinisisi mga babae Sabi ko nga ‘’Hayaan nyo na wala naman sigurong ginusto mga Pangit na nang yare sa kanyang buhay under circumstances may mga bagay a tinanggap na lang at pinagpatuloy pa rin - in the end wasak at balewala rin - our future is in God’s Hands - He is the One can control this life - siempre we are not all perfect . Bangon lang and come back to Him “ Life must go on - ako ang daming kasawian sa buhay ko na nagdaan"