Kahit doble ingat ang isang babae para makaiwas sa C0VID-19 ay tinamaan pa din sya ng nasabing sakit.
Ayon kay Rachel, ginawa nya ang istriktong pagsunod sa mga payo ng eksperto na wag lumabas ng bahay simula pa noong kalagitnaan ng Marso.
Sa kasamaang palad, tinamaan pa din ng sakit ang babae sa kabila ng matinding pag-iingat.
Nakaranas sya ng mga sintomas ng sakit gaya ng ubo, lagnat at pananakit ng ulo.
Pero hindi nya agad nakumpirma ang sakit dahil hindi raw sya nakapasa sa criteria ng mga nararapat na sumailalim sa test.
READ Ilang OFW na nagpositibo sa C0VID-19, tumakas sa quarantine facilities
Ilang linggo umano syang nanatili lamang sa kanyang bahay at pinabibili lamang ang kanyang pagkain.
Hindi nya raw talaga matukoy kung saan nya nakuha ang sakit.
Maging sa pakikisalamuha nya umano sa ibang tao at mismong sa kanyang asawa ay naging maingat sya.
Ngunit kalaunan ay napag-alaman nyang ang babaeng boluntaryong bumili ng kanilang pagkain ay tinamaan pala ng sakit.
Doon nya napagtanto kung paano sya nahawa.
Aniya, hindi nga siya nagsuot ng gloves nang kunin ang mga groceries na iniwan ng babae sa labas ng kanilang tirahan.
"I barely had any contact," anito. "I didn't even touch her." saad pa ni Rachel.
Dagdag pa nya, isa sya sa mga high-risk patient dahil na-diagnose syang may autoimmune disorder.
"This is the sickest I've ever been and it's the most scared I've ever been. From what I'm hearing about ventilators, it's scary stuff. I'm really hoping I can wait this out at home," pagpapatuloy ng babae.
"I've had the flu. This is not the flu. It's a whole 'nother monster," sabi pa nya.
Si Rachel Brummert ay taga North Carolina.
READ Ilang OFW na nagpositibo sa C0VID-19, tumakas sa quarantine facilities
READ Nakipagmatigasan! Pananakit ng babae sa mga pulis, kuha sa video