Babae nagkaroon ng matinding body rashes matapos ang tuloy-tuloy na overtime sa trabaho - The Daily Sentry


Babae nagkaroon ng matinding body rashes matapos ang tuloy-tuloy na overtime sa trabaho



Lahat tayo ay nakaranas na ng matinding pagpupuyat dahil sa mga kailangan nating gawin o tapusin. Minsan nagpupuyat tayo dahil meron tayong tinatapos na assignment sa paaralan, project o kaya naman ay mga hindi natapos na trabaho. Kaya kapag may pagkakataon na matulog ay sinasamantala natin ito.
Toq Taeq Kerdmee / Larawan mula sa kanyang Facebook post

Samantala, isang babae sa Samut Prakan, Thailand ang hindi nagkaroon ng tamang pahinga o tulog sa loob ng tatlong buwan dahil sa palaging overtime sa trabaho. 

Dahil dito ay nagkaroon siya ng matinding rashes sa kanyang buong katawan dulot ng mahinang immune system.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Toq Taeq Kerdmee ang kwento ng kanyang pagoovertime sa trabaho na naging dahilan ng kanyang kakulangan sa tulog. 
Toq Taeq Kerdmee / Larawan mula sa kanyang Facebook post

Kwento niya, minsan ay umuuwi na siya ng 3am galing sa trabaho at madalas ay may mga araw na nagkakaroon siya ng insomia kaya hirap siyang matulog. Nagpatuloy ito ng tatlong buwan hanggang sa may mapansin siyang namumuong rashes sa kanyang katawan.
Toq Taeq Kerdmee / Larawan mula sa kanyang Facebook post

I thought it was just a bug bite, but in the morning, it started to spread more and more. So I went to the first doctor who also told me that it was just a bug bite,” saad ni Kerdmee sa kanyang Facebook post.

Binigyan ng doktor si Kerdmee ng “anti-inflammatary medicine” para sa kanyang inakalang rashes.

Subalit mas lalong lumala ang kanyang kondisyon matapos niyang kumain ng seafood sa pinuntahang birthday party ng kaibigan. Ang akala ni Kerdmee ay hindi pa umeepekto ang gamot na binigay sa kanya ng doktor.

Pagkagising niya ng umaga ay nandun parin ang mga rashes niya at nilalagnat narin siya. Naisip niyang magpunta sa ibang doktor upang malaman kung anong nangyayari sa kanyang katawan. Ayon sa pangawalang doktor, ang kanyang rashes ay reaksiyon lamang ng kanyang katawan dahil sa “fabric softener” ng mga damit na isinusuot niya.

Inirekomenda ng doktor si Kerdmee sa isang dermatologist ngunit habang hinihintay niya ang kanyang appointment ay nilagnat nanaman siya at nagsimula ng kumalat ang rashes sa kanyang mga kamay at paa.

Ayon sa dermatologist ni Kerdmee, nagkakaroon raw siya ng “allergic reaction” kaya tinurukan siya ng gamot para sa inflammation.
 Toq Taeq Kerdmee / Larawan mula sa kanyang Facebook post
Toq Taeq Kerdmee / Larawan mula sa kanyang Facebook post

Umuwi na si Kerdmee upang magpahinga at nananalangin na gumaling na ang kanyang sakit. Ngunit ang gabing inaakala niyang makapagpapahinga siya ay ang gabing pinaka nakakatakot sa buong buhay niya.

I was not able to wear any clothes to sleep. My body felt like it was on fire and it felt like there were a million ants biting my body,” kwento niya.
Toq Taeq Kerdmee / Larawan mula sa kanyang Facebook post

Dito na siya dinala ng kanyang pamilya sa ospital dahil sa sobrang taas na lagnat. Umabot na sa 40.2 degrees.

Makalipas ang ilang oras ay unti-unti na ring bumaba ang lagnat ni Kerdmee at ang kanyang mga rashes ay nawawala na. Ayon sa mga doktor, humina ang kanyang immune system dahil sa kakulangan sa tulog.

Immune system “releases proteins called cytokines during sleep, some of which help promote sleep. Sleep deprivation may decrease the production of these protective cytokines. In addition, infection-fighting antibodies and cells are reduced during periods when you don’t get enough sleep,” ayon sa Mayo Clinic.

Sa kanyang post ay pinaalalahanan ni Kerdmee ang mga netizens.

Don’t just think about making money and don’t neglect any warning signs from your body. If you have abnormal conditions, you must hurry to seek medical treatment. Delaying medical treatment will make it become more serious”.


***
Source: WoB