Larawan mula sa Facebook at Twitter |
Isang barista ng kilalang coffe shop sa Calilfornia, United States ang nag viral kamakailan matapos siyang ipahiya ng babaeng customer dahil tinanggihan niya itong pagsilbihan.
Ayon kay Amber Lynn Gilles, ayaw daw siyang pag silbihan ng baristang kinilalang si Lenin Gutierrez dahil hindi siya naka suot ng face mask ng pumasok sa shop.
Sa kanyang galit, kinuhanan niya ng larawan ang barista at ito ay kanyang ipinost sa social media noong Lunes, June 22.
“Meet lenen from Starbucks who refused to serve me cause I’m not wearing a mask,” Ayon sa kanyang caption
“Next time I will wait for cops and bring a medical exemption.” Dagdag pa ng customer na si Gilles.
Sa California ay required umanong magsuot ng face mask ang mga residente, sa loob o labas man lalo na sa mga pagkakataon na hindi possible ang mag social distancing.
Dahil sa mismong post ni Gilles ay umani siya ng batikos mula sa mga netizens at agad nag viral ang kanyang kwento.
Kasunod ng post ni Gilles, nag set-up naman ang isang Matt Cowan isang pahina ng GoFundMe (Tips for Lenin Standing Up To A San Diego Karen) upang makalikom ng pera para sa barista na si Lenin Gutierrez.
Sa umpisa ay hangad lang daw ni Cowan na makalikom ng $1,000 ( o P49,900) para kay Gutierrez, ngunit biglang dumagsa ang mga nais magbigay ng tip at nalampasan pa ang naka set na halaga na tinalaga ni Cowan. Pagsapit ng Hunyo 24, nakolekta ni Cowan ang $ 10,000 ( o katumbas ng P499,800). Kalaunan ay umabot pa ito ng $100K.
Nang mag viral sa social media ang halagang natanggap ni Gutierrez mula sa tips at donasyon, inulat naman ng NBC San Diego na humihingi ng cut o parte si Gilles sa pera.
Ayon pa sa babaeng customer, kung wala siyang makukuhang parte ay kanyang idedemanda ang page creator ng GoFundMe ng paninirang puri.
Sinabi ni Gilles na ang pera ay lumaki ng ganoon dahil sa kanyang pangalan, kaya nararapat lang daw na siya at ang kanyang tatlong anak ay makakuha ng parte mula dito.
Habang naghihintay kung ano ang mangyayari ay nag sulong din si Gilles ng sarili niyang GoFundMe para mapawi man lang ang inabot niyang pagka pahiya.
Nagpahayag naman si Gutierrez ng taos pusong pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya at nagbigay ng tip.
“It’s so shocking to see something get so big that only happened within a few minutes,” aniya
Ipinaliwanag din ni Gutierrez ang kanyang side sa naturang pangyayari. Nang sabihin ni Gilles kay Gutierrez na hindi niya kailangan ng face mask, ipapakita sana ng barista ang guidelines na nagsasaad na required ang mga customer na magsuot ng mask.
Gayunpaman, bago maipaliwanag ni Gutierrez ang patakaran, sinabi niya na sinimulan na ni Gilles ang pagmumura sa kanya at inulit na hindi niya kailangan ng face mask.
Kalaunan ay umalis daw si Gilles at bumalik matapos ang ilang minute para kunin ang kanyang pangalan at siya ay kuhanan ng litrato.