Larawan kuha mula sa post ni Marga |
Kelan ba naging marangal ang pagiging isang Tricycle driver lang?
Sinagot ito ng Anak ng isang magsasaka at tricycle driver na nakapagpatapos lang naman ng isang Dentista at Pharmacist dahil sa pagpupursige at patuloy na pamamasada ng Ama, na naging pangunahing kita nila ng pamilya upang makapagtapos silang magkakapatid sa pag-aaral mula elementarya hanggang sa kolehiyo.
Larawan kuha mula sa post ni Marga |
"Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya. Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya," saad ni Marga sa kanyang post.
Narito ang kanyang buong post:
When I was about to enter College I really wanted to be a flight attendant but my mom said:
" accountancy nalang kunin mo gaya ko. " I didn't agree kasi hate na hate ko talaga yung math. And my dad said: " mag dentistry ka nlng. Magiging doctor ka"
Larawan kuha mula sa post ni Marga |
Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya.
Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya. Then pag may babayaran sa school dun sya kumukuha. Minsan hihingi ako 500, 1k, 5k, gang sa humingi ako one time ng 20k pambili ng materials ko sa school. Sabi ko papa, kailangan ko ng 20k nextweek. Pambili ng dental materials. Di sya umaangal oo lng ng oo si papa. Gang sa nakagraduate ako ng college, nagpapasada padin si papa.
Larawan kuha mula sa post ni Marga |
Nandyan ang mama ko, tita ko, pinsan ko na tumulong dn samin. Pero alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.
YOU HAVE NO RIGHT NA SABIHIN NA HINDI/ KAILAN NAGING MARANGAL ANG PAGIGING TRICYCLE DRIVER!! HINDI NILA NINANAKAW ANG PERANG PINAGHIHIRAPAN NILA. NAGTATRABAHO SILA NG MARANGAL PARA MAPAKAIN ANG PAMILYA NILA AT MABIGYAN NG MAGANDANG BUHAY ANG MGA ANAK NILA. THEY HAVE DREAMS TOO, A DREAM NA MAABOT ANG MGA PANGARAP NG MGA ANAK NILA
Larawan kuha mula sa post ni Marga |
- Love, ang mga anak mong Dentista at Pharmacist 😊💜💚
Hi #boknoyglamour 😏
***
Source: Marga Santiago Suoborin
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!