Sa isang makasaysayang pagkakataon, bigo ang ABS-CBN na makakuha ng boto mula sa kongreso pabor sa kanilang pagkakaroon ng panibagong prangkisa.
Para maaprubahan ang pagbigay sa higanteng network ng 25-year franchise, kinakailangan nilang makakuha ng malaking bilang ng boto mula sa kongreso. Subalit hindi ito ang nangyari sa naganap na botohan nitong Biyernes, July 10.
Sa bilang na 70-11, bigo ang Channel 2 na muling magkaroon ng prangkisa bunsod ng malaking bilang ng mga kongresista na hindi sang-ayon dito.
Bukod pa doon, dalawa sa kanila ang hindi sumali o nag-abstain sa isinagawang eleksyon.