Labis-labis ang pagsisisi at pagdadalamhati ng isang ama matapos niyang unahin ang barkada at balewalain ang kanyang pamilya.
Sa Facebook page ng ‘UE Secret Files’, ibinahagi nito ang kwento ng isang ama na i-responsable, pabaya at walang pakialam sa kanyang mag-ina.
Nagpakilala ang lalaki bilang si Lawrence, 20 years old, isang tambay na mahilig maglaro ng basketball at uminom. Hindi nagbago ang gawain ni Lawrence kahit nabuntis na niya ang kanyang kasintahan.
Madalas raw magalit sa kanya ang kanyang asawa dahil wala na siyang oras para sa kanila at ang gusto nito ay mag bonding naman silang pamilya. Pero ang isinasagot ni Lawrence ay "ANO BANG MALI SA GINAGAWA KO? HINDI NAMAN AKO NAMBABABAE AH! SA INYO PA DIN NAMAN AKO UMUUWI!"
Dahil sa call center agent ang trabaho ng kinakasama ni Lawrence, minsan na lamang sila magkita. Sa gabi ang pasok nito at pag-uwi ng umaga ay siya parin ang nag-aalaga sa kanilang anak.
Kwento ni Lawrence, mahal niya raw ang kanyang kasintahan ngunit marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Kahit alam niyang kulang ito sa tulog ay umaalis parin siya. Kahit madalas nagrereklamo na ito sa pananakit ng ulo ay hindi niya ito pinapansin.
Hanggang isang araw pag uwi niya sa kanilang bahay ay wala siyang nadatnan na tao. Wala ang kanyang asawa at anak. Naisip nito na baka naglayas na ito. Ngunit ayon sa kanyang kapatid ay dinala umano sa ospital ang kanyang kinakasama dahil bigla itong hinimatay habang nagluluto ng pagkain.
Maya-maya ay tumawag ang ina ni Lawrence at sinabing wala na raw ang kanyang kasintahan. Dito na raw biglang nahimasmasan at tila binuhusan ng malamig na tubig si Lawrence.
“Wala na ang mommy ng baby namin. Wala na sya,” sambit ni Lawrence.
Ayon sa doktor ay matagal na umanong iniinda ng babae ang sakit ng kanyang “ulo dala ng puyat, pagod, at stress... At kung anong lumala pa ay dahilan para pumutok yung ugat sa utak nya.”
Sobra-sobra ang pagsisisi ni Lawrence ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang buhay ng kanyang kasintahan.
Narito ang buong kwento ni Lawrence:
"It's too late for me
Bago ang lahat, mahaba po ito.
Idk where to start but let me just introduce my self. Ako nga pala si Lawrence, 20 yrs old. Tambay, mahilig sa basketball at uminom. Never akong humihinto sa bahay, hanggat may pagkakataon na makakaalis ako ng bahay umaalis talaga ako ng bahay.
Tuloy pa din ang ganito kong gawain kahit nabuntis ko na ang girlfriend ko. May 1 yr old baby boy na kami na kamukhang kamukha ko, yun ang lagi nyang sinasabi. Mahal na mahal ko ang mag ina ko pero siguro masyado kong tinake advantage yung presence nya.
Kapag umaalis ako para maglaro, nagagalit sya. Kapag umiinom ako gabi gabi kasama ang tropa nagagalit sya. Ang lagi nyang sinasabi miss nya na daw ako at kung pwede naman sanang mag bonding kaming pamilya. Pero ang lagi ko lang sinasagot sa kanya.. "ANO BANG MALI SA GINAGAWA KO? HINDI NAMAN AKO NAMBABABAE AH! SA INYO PA DIN NAMAN AKO UMUUWI!"
Nagsasama na kami sa isang bahay, pero madalas kaming nagkikita dahil call center sya sa gabi, at tulog sa umaga o nagbabantay sa anak namin habang ako, ayun. Layas, laro, inom, repeat.
Mahal ko sya pero madami pa kong gustong gawin eh. Kahit alam kong kulang sya sa tulog, basta isang chat/text lang ng tropa ko para maglaro, umaalis agad ako. Kahit madalas umiinda na syang sumasakit ang ulo nya, hindi ko alam pero umaalis pa din ako.
Pagkatapos kong maglaro, nagkayayaan kami ng tropa na mag inom. Hanggang sa around 10pm, ang daming nang tawag/text ng girlfriend ko na hindi ko sinasagot kasi alam kong papauwiin nya lang ako. Alam ko kasing aawayin nya lang ako kasi ayaw nyang nag iinom ako.
Hanggang sa inabot kami ng madaling araw at alas 2 na ko ng umaga naka uwi. Pag uwi ko sa bahay, walang tao. Wala ng gamit ang mga gamit ng girlfriend ko pero andun pa din yung damit ng anak ko. Ang nasa isip ko baka naglayas lang, baka sa sobrang galit sakin umuwi muna sa kanila.
Pero nang magising ang kapatid ko, dun ko lang nalaman na kaya pala wala ang girlfriend ko kasi sinugod nila sa hospital ang girlfriend ko dahil bigla daw hinimitay habang nagluluto ng pagkain naming pamilya.
Then all of a sudden tumawag sakin ang mama ko, at kahit sobrang lasing ko, bigla akong nahimasmasan at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin sakin ng mama ko na wala na ang girlfriend ko. Wala na ang mommy ng baby namin. Wala na sya.
Sabi nang doctor, yung iniinda nyang sakit sa ulo na dala ng puyat, pagod, at stress... At kung anong lumala pa ay dahilan para pumutok yung ugat sa utak nya.
Sobra akong nanlumo, sobra akong nagsisi nang makita ko yung mahal na mahal kong girlfriend na nakahiga nalang na walang buhay. Sa sobrang dalas kong wala sa bahay, yung dating malusog nyang pangangatawan, sobrang bumagsak na pala. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong saktan ang sarili ko nang makita ko ang huli nyang text sakin...
"Daddy, ang sakit ng ulo ko 😔. Magpapahinga nalang ako pagkatapos kong lutuin tong sabaw mo. Mahal na mahal kita daddy namin. Kiss mo ko pagdating mo ha?"
Hanggang ngayon ang sakit pa din, araw araw nagiging sariwa pa din ang lahat. Araw araw sinisisi ko ang sarili ko. Judge me all you want pero eto lang ang mapapayo ko para sa mga katulad kong immature at mahilig itake advantage ang presensya ng taong nagmamahal satin:
We have what we called PRIORITY OVER PRIORITIES at yun yung FAMILY. Hanggat kaya nating mag stay sa tabi nila gawin natin kasi hindi natin alam ang plano ng Panginoon para satin. Baka ilang beses na Nya tayong ginigising pero baka gisingin nya tayo in a way na panghabang buhay na nating pagsisihan. Ang TROPA, BASKETBALL at ALAK.. wala yan kapag nawala na sayo ang taong mahalaga sayo.
Judge me all you want, go. Ako na batugan, ako na lasenggo. Ako na palamon ng girlfriend ko. Ako na nga ang tambay, at sya tong nagwowork tapos ako pa yung ganito towards her. Hindi ko alam, akala ko kasi sapat na yung sa kanya ako umuwi e, akala ko kasi sapat na yung mahal ko sya. Pero hindi ko alam hindi ko na pala sya naaalagaan.
hanggang ngayon, napapaiyak pa din ako kapag kinukwento ko to.
Mahal na mahal kita Mommy, sobrang mahal kita. Hayaan mo babantayan ko si utoy. Alam kong lagi mo kami binabantayan ni tutoy. Kahit sa kabilang buhay binabantayan mo kaming dalawa. Magpahinga ka na asawa ko. Lahat ng pagkukulang ko sayo hayaan mong punan ko nalang sa anak nating dalawa. Mahal na mahal ka namin ðŸ˜
Hanggang dito nalang. Salamat sa mga nagbasa.
Law&Mac
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES 2014
UEManila
***
Source: EU Secret Files | Facebook