Sharon Cuneta, napuno sa mga bastos bashers: 'Kaya nga ako nag asawa kasi matinong tao si Kiko at gusto ko manahimik' - The Daily Sentry


Sharon Cuneta, napuno sa mga bastos bashers: 'Kaya nga ako nag asawa kasi matinong tao si Kiko at gusto ko manahimik'



Photo from Push and Instagram of Sharon Cuneta



Megastar Sharon Cuneta cried foul over bashers who throw hurtful, disrespectful accusations and insults towards people who have their own beliefs and opinions.

On a lengthy Instagram post, Sharon expressed her frustration with many netizens. She said it is painful to see her husband Senator Kiko Pangilinan and children get bashed online because of their principles.


“I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. Where is my countrymen’s moral compass?” the actress said

Earlier, Frankie Pangilinan, daughter of Cuneta, received threats online after she criticized those who blame abused women for wearing sexy outfits.

Cuneta said her family is experiencing sadness because of the issues they are currently facing.
Below is her full post from Instagram:

I still cannot understand how many can hurt others like it is nothing to them, even when those they hurt couldn’t even THINK of hurting other people for no reason except to do so. Where is my countrymen’s moral compass?

Kay tatapang na nating magbitiw ng di lang masasakit kundi di malunok na mga salitang parang hindi tayo magkakababayan. Masyado nang tinotolerate, kundi man ine-encourage - at karamihan ay binabayaran pa para manira ng kapwa.

Sa showbiz kung saan lumaki ako, sanay kami sa intriga. At alam namin kung sino ang nang-iintriga sa amin. Sanay kaming humaharap sa isa’t-isa sa interviews at sa sagutan hanggang magkalinawan. Ngayon, anumang bukambibig ko, ng sinoman sa mga anak kong may kanya-kanya namang isip, ay pipilipitin at ididikit sa anumang ginagawa o sinasabi ng kanilang ama sa pagiging politiko niya. *

Damay kami kahit may iba’t-iba naman kaming issue. At ang baluktot, pilit itinutuwid. Ganyan na pala tayo kababa ngayon bilang mga Pinoy. Di lang pala chismis. Nakakapagod na rin ang may kaibigan sa isang panig, habang ang sarili mong dugo at laman ay nabababoy at nasasaktan ng wala namang proteksyon mula sa kaibigan kahit mahal ka pa.


Panahon na sigurong iuntog ang ulo ko sa pader. Para pag nakikita ko ang sakit sa mga mata ng mga anak ko kapag may masasakit na naririnig at nababasa, hindi na ako kailangan bumalanse sa pagiging kaibigan at INA. Dahil natural lang naman na ang pagiging INA ANG MAS HAMAK NA MAHALAGA... Napakasakit ng pinagdaraanan namin ngayon.

Kaya nga ako nag-asawa kasi matinong tao si Kiko, at gusto ko tumahimik na ng paunti-unti ang buhay ko. Lalo lang palang gugulo. Mas naaappreciate ko ang Showbiz ngayon...pagmamahal at intriga lang ang haharapin mo; madaling ayusin ang intriga, libre at napakasarap ng minamahal ka ng walang panig panig tulad ng politika. Bahala na ang Diyos sa amin.

Siya naman ang may control sa lahat. Huwag natin bolahin ang ating sarili na tao ang may control sa lahat. Bukas puede magunaw ang mundo kung nanaisin ng Diyos. Dapat ang kaluluwa mo ang sure na ihanda mo. Ganon lang po. God bless us all.*

Senator Kiko Pangilinan, Cuneta’s husband and Frankie’s father, was the principal author of the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, or Republic Act No. 9344, that set the minimum age for criminal liability of minors at 15 years old.

Earlier, Cuneta declared that she is planning to trace and sue the netizen named Sonny Alcos, who threatened her daughter.


The megastar even reached out to Justice Secretary Menardo Guevarra to file a criminal complaint against Alcos.

“HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG. TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN. TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEM*NYO KA,” Cuneta said.