Ito ay ang FaceApp. Gamit ang application na ito, ang mga user ay maaring pumili ng larawan mula sa kanilang phone gallery at piliin ang nais nilang maging itsura. Bukod sa kaya kang pabatain o patandain, kaya din ng app na ito na baguhin ang iyong itsura mo sa ibang kasarian.
Photo Credits: MSN Lifestyle, Esquire Philippines |
Ngunit, ano nga ba ang kaakibat ng paggamit ng application na ito? Narito ang mahigpit na paalala ni Mr. Jomar Soriano, isang instructor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP):
"FACEAPP user ka ba?
Please read after you laugh at my photo. Icomprehend po ahh. Wala po ako ipinagbabawal sa inyo gawin para maging masaya hahaha.
This image was sent to me by one of my previous student. Mula ito sa bagong faceapp na nag-eemerge ngayon. Kaya ka nitong gawing babae o lalaki in an instant.
Nakakatuwa ang nagagawa nung application.
Ngunit babala lamang para sa mga di nakakaalam na ang mga ganitong klaseng application ay nagmimina (mine) ng inyong mga mukha para sa face recognition.
Data po ang inyong mukha na maaaring magamit sa hindi magandang bagay.
The application is ANALYZING your face. Kaya di kataka-taka na satisfied kayo sa result dahil mukhang makatotohanan ito kahit yung gawin ka nitong matanda o babae o bata.
Masaya ka rin dahil mini-meet nito ang standard ng beauty ng society kaya satisfied ka sa results. Ang tendency ay mas magiging high ang chance na matuwa ka sa app at ishare sa iba.
Masama ang dating ng faceapp na ‘to sa sitwasyon ngayon.
Photo Credits: MSN Lifestyle, Esquire Philippines |
Kaakibat ng saya ay ang consequence sa pagkakaroon nito.
Manatiling vigilant mag-ingat sa mga kaganapan sa socmed. Baka bukas may dummy ka na naman o kaya kamukha sa ibang lugar.
Lahat ng mga apps na dinadownlod at ginagamit natin ay maaaring may ganito kaya be careful sa pag-input ng inyong nga private information sa mga apps. Better gumamit ng ibang email at phone number strictly for socmed registration only.
Yung mga dummy account ninyo magkakaroon na siguro iyan ng mukha. Ayaw ko kayo takutin pero gusto ko kayo mamulat.
I-DELETE ninyo yung data ninyo sa application via settings after ninyo ito gamitin at pagkatuwaan. Wala naman kasi masama sa paggamit nito kung tayo ay magiging maingat at responsable.."
Source: 1