Netizen Sobrang Nahabag sa Matandang Nakasabay sa Jeep, Pinalayas daw ng Sariling Anak - The Daily Sentry


Netizen Sobrang Nahabag sa Matandang Nakasabay sa Jeep, Pinalayas daw ng Sariling Anak



Netizen Chris Asuncion | Matandang Lalaki | CTTO
Viral ngayon sa social media ang isang Facebook post na ibinahagi ng isang netizen na si Chris Asuncion, kung saan kanyang ipinakita ang larawan ng isang matandang lalaki na kanya diumanong nakasabay sa jeep.

Makikita sa larawan ang kaawa-awang matanda na walang suot na sapatos o tsinelas man lamang sa kadahilanang pinalayas daw sya at sinaktan ng kanyang sariling anak.


Photo shared by Asuncion | Credit to his Facebook account

Hindi napigilan ng netizen na si Asuncion na maglabas ng galit sa anak ng matanda at ipinarating ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagpost sa Facebook, sa pag-asang makarating sa mga ito ang bunga ng kanilang ginawang pananakit sa sariling magulang at nawa ay magsisi at humingi ng kapatawaran sa ama.



Marami ding ibang netizens ang naawa sa matanda at nagpaabot ng yamot at inis sa anak nito. 



Narito ang buong post ni Asuncion:

"Nakasabay ko lang siya sa Sasakyan then ayaw pa sana siya pasakayin ng Driver kasi daw matanda, pero nung tinanong ko po si lolo sabi niya "UUWI AKO SA ANAK KO NA ISA KASI PINALAYAS AKO NG ISANG ANAK KO NA ISA AT PINALO PALO NIYA AKO NG TUNGKOD KO"

Di po ako nagmamalinis kasi di po ako ganoong kabuting anak pero never ko po sinaktan inshort diko po kayang paluin o anuhin ang magulang ko, Lumalaban ako sakanila pero sa salita lang diko naman kayang saktan sila physical ,

kaya nung nakita ko yang si lolo napatulo luha ko kasi naisip,,,may mas masahol papala sa akin ...

Always remember guys dont hurt your parents especially in Physical kasi without them your not here,..

Kaya sana mahalin niyo magulang niyo father's day na Father's Day ginaganyan mo tatay mo,

Ikaw na anak maski anong ginawa sayo ng magulang mo wag na wag kang lumaban physicaly, matanda na yang tatay mo dika man lang naawa dimo naisip na nung bata kapa binihisan ka niyan all though ipagpalagay natin na dati grabe pinagdaanan mo sa kaniya pero di yun rason para ibalik mo sa kaniya ang ginawa niya sayo kasi Parents is Parents tapos ang sobrang sakit pa kahit Tsinelas wala siya kasi pinapalayas mo siya, dika man lang marunong tumanaw ng utang na loob.

Oo madami tayo pinagdadaanan lalo sa ganitong mga sitwasyon... Pero ndi nman tama na, manakit ka ng kapwa lalo na ng magulang mo....

Ndi lng ikaw ang may pinagdadaanan.. Ndi lng ikaw ang may mabigat na pinapasan..



Ndi lng ikaw ang naghihirap... Halos lahat ngaun problemado sa pagkain palng sa araw araw... Sa pangbayad sa ilaw at kuryente... Sa pangbayad ng inuupahang bhay... Sa pagtitiyaga makapasok sa trabaho kahit na ndi safe matustusn lng ang pangangailangan ng pamilya... Kaya ikaw na mapanskit sa magulang tandaan mo ndi cla habambuhay nasa tabi mo.... At tulad nla.. Tatanda ka din at marerealize mo lahat ng mga pinaggagagawa mo sa kanila.... Habang may pagkakataon pa himingi ka ng paumanhin at tawad sa kanila...."




Source: Chris Asuncion